Happy Halloween

October 30, 2006
Halloween na naman... nalulungkot ako na ewan! Ang baliw talaga! Nu ba yan!? Kasi nami-miz ko yung family ko... ito rin kasi ang isang pagkakataon para magkasama-sama ang lahat bukod sa Pasko at Bagong Taon. Oh wel... get over it Roanna, walang mangyayari! Haaaayyy....

Change topic na.. baka mabaliw ako dito na ewan. Lam nyo ba nung Sabado e ang lakas-lakas ng ulan... so no choice ako kundi ang mag-stay na lang dito sa dorm at manood ng movie with matching lights out pa yan ha. Yay! Malapit lang yung kama ko sa may bintana, susme... nagulat ako dahil ang lakas ng kabog na para bang nagsasabing buksan ko yon! Pinagkinggan ko muna ng matagal... waaaaahhh... dere-deretso pa rin at ang lakas-lakas talaga! Akala ko kung ano lang... kasi yan ang gawain ng mga kaibigan ko pag dadaanan nila ako, di na sila nagdo-door bell or tumatawag sa phone basta konting katok lang sa bintana ayos na. Pero grabe ha.... gusto yatang sirain yung bintana ko sa sobrang lakas! E di naman ako bingi...

Lumabas ako ng kwarto para tingnan kung ano yun, pagbukas ko ng pinto...........


Juiceeeee kowwwww!!!! Ito ang tumambad sa akin. Napasigaw talaga ako ng sobrang lakas at tining!! Kala ko aatakihin na ako sa puso at hihimatayin na sa sobrang takot. Hindi ko sya nakilala... Grrrr.... kaibigan ko lang pala! Nang-iingget na pupunta daw sya sa costume party! Ganon??! Lichugas! Mamatay-matay ako... kala ko totoo na! Hahahaha!

Yay... Happy Halloween sa inyong lahat! Stay safe ha!
posted by rHo at 7:49 PM | Permalink | 64 commenti

5 Weird Things About Me

October 26, 2006
I was being tagged by ate faye to post 5 weird things about me. Yay! Hmmm... ako mismo e weird na, so counted ba yun 'te??! Hahaha! Hindi ko alam kung weird ba or wat pero according dun sa mga taong nakakita na ginagawa ko to, weird daw ako! Watever! Hahaha! Okay eto na list ko...

1. Mahilig ako talaga sa suka, kahit ano na lang sinasawsaw ko sa suka! Ewan ko ba... kahit anong chichiria nilalagyan ko ng suka, mapa-Pringles man yan, Cheetos or kahit anong maalat. Kahit sa ulam, may suka pa rin! Hahaha! Pag halimbawa may kasamang toyo ang ulam namin, sinasabaw ko yun sa kanin.... asahan mo, kasunod ko ng isasabaw ang suka! Waaahh... ang sarap! Kahit nga longganisa, talong, pritong itlog, nilagang itlog...waaaahhh... sawsaw pa rin sa suka! Basta... masarap! Si hubby nga napapakunot na lang ang noo everytime na may isasawsaw ako sa suka na hindi naman dapat may suka! Hahaha!

2. Naiinis ako pag may nangingielam ng unan ko! Kapag naiba ang ayos non, hindi na ako makatulog. Kailangan kasi tama lang yung taas at talagang hinahanap ko pa kung san yung part na malambot. Kasi pag namali yan ng ayos... paggising ko kinaumagahan e ang sakit ng ulo ko.

3. Nung bata pa ako, everytime na may namamatay sa amin... ninenerbyos ako! Yun bang tipong hindi ako makakain, hindi ako makatulog, hindi makahinga... basta disturbed talaga ako. Feeling ko kasi, ako na ang susunod! Hahahaha! Buti ngayon... nawala na yon. Tapos, hindi rin ako makatingin sa patay pag nasa ataol na... wala pa akong natitingnan kahit isang patay even lolo ko or kamag-anak!

4. Hindi ako masyadong lumalabas, minsanan lang talaga! Sabi ng mga kaibigan ko weird daw ako dahil natitiis kong magkulong ng kwarto o ng bahay kahit ilang days pa yan! Ganon?! Hindi naman kasi ako talaga outgoing kahit noong dalaga pa ako... na-trauma na ako! Yoko kasi makurot ng nanay ko! Hahaha!

5. Ayokong malasing! Ayokong malasing! Ayokooooo talaga dahil bigla na lang akong umiiyak! Dalawang beses pa lang naman ako nalalasing... as in lasing talaga, usually kasi shot lang ako or pag tamad hindi talaga ako nainom. Ewan ko ba, hinahanap ko lagi si hubby tapos pag hindi ko nahawakan or wala sya sa tabi ko (e wala naman kasi talaga!), iiyak na lang ako bigla! Kaya yung mga kaibigan ko... natutuliro pagtawag sa asawa ko sa Pilipinas! Hindi sya nakakatawa... nakakahiya talaga! Ito ang pinaka-weird for me kasi hindi ko makontrol emosyon ko na dati naman e nagagawa ko! Lichugas! Hahaha!

Wala na akong ita-tag.. kung sino na lang gustong magsagot! Hehehe! So, have a great weekend sa inyong lahat!! Thursday pa lang dito ngayon.... bukas Friday na! Wohooooo.... excited na ako!
posted by rHo at 9:20 AM | Permalink | 54 commenti

A Special Thanks

October 23, 2006
Ang tagal ko na namang nawala! Haaaayy... kaasar! Masyado kasi akong bisi-bisihan nitong nagdaang araw e, pumapasok ako ng class para dito sa lichugas na A+ Certification na 'to! Ayoko nga talaga pero yung supervisor ko, bigla na lang ako ni-sign up! Haaayyy... e ano pa nga bang magagawa ko, andito na ako! Actually, last week ko na 'to! Yuhhhhhooo... kaya nakakapag-bulakbol na habang nagle-lecture si sir! Hahahaha! Basta, pasensya na muna kayo kung hindi ko nadadalaw ang mga bahay nyo ha... babawi na lang ako sa susunod! Yiheeee...

Oh well, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagpunta sa bahay ng mylab ko! Wag sana kayong magsasawa sa amin ha! Hehehehe! At syempre pa, gusto ko rin mag-thank you sa isang kaibigan. Though, 'di pa kami ganoon magkakilala... magaan na ang loob ko sa kanya! Ang lalaking walang ginawa kundi ang umapir... tan ta nan ta nan...walang iba kundi si KaMotEng-PuSiT! Apirrrrrrr!!!! Apirrr!! Apirrr! Apirr! Apir! Apirrrrr!! Hahahaha! Una pa lang, aliw na aliw na talaga ako sa kanya, kasi walang syang sinasabi kundi puro apir lang! Minsan nga iniimagine ko pa yung mukha nya habang nag-aapir! Hahahaha!! Pasensya ka na kafatid... lolz! Mwuaaaahugggz! Baliw talaga ako! Huy puseeettt... tenchu sa kantang ginawa mo para sa akin ha! Galing-galing naman... gifted child ka talaga! Kinanta ko yan at ni-record ko pa with matching lyrics ni puseett, pero natawa lang ako sa sarili ko kaya binura ko na! Hahahaha! I-share ko na lang sa inyo yung ginawa nya... eto po oh:

::: RHOANNE's SONG :::
by
Tune: "Here, There and Everywhere"
by The Beatles

Intro:
To live a happy life...
I wish that RHo's always here...

Stanza:
Here... Making each day like a year.
Spending more time typing words on her space,
nobody can,
deny that Rhoanne was there...

There... havin' a glance on her place.
Seein' just everyday makes our day great,
you must believe,
her smile will just blow you away.

Refrain:
I want there everyday!
Coz' the posts she'd written,
I know that she always cares.
Just a comment,
is to show that we're... everywhere...

Refrain 2:
Knowin' that Rho's always there...
Each one believin' she's leavin' a tag,
watchin' our blogs
and hopin' that she'll
comes back...
Repeat Refrain:

End Chorus:
To be here, there and everywhere...
Rho, was here...
and everywhere!!!

Thanks again my friend!!
posted by rHo at 1:02 PM | Permalink | 49 commenti

Hubby Is Now A Blogger

October 18, 2006
Nagsimula ako mag-blog nitong last June lang. Hindi ko akalain na ganito kalaki ang magiging impact sa akin. Nag-eenjoy ako talaga kahit pa minsan e corny ako! Hehehe! Alam ko naman na corny nga ako, ang importante lang naman sa akin e nababawasan kahit papano ang kalungkutan ko.

Simula non, lagi na kaming nag-uusap ng asawa ko about sa blog ko minsan pa nga dumadalaw sya dito! Nakikita nyo pa nga db!? Inggit na inggit sya sa akin! Hahahaha! Hmmmm... ang hindi ko alam, may hidden agenda pala sya! Kumag na yon.. tinatago pa sa akin. Last September, gumawa na nga sya ng sariling blog nya ng hindi ko nalalaman. Dito oh, kaya lang dahil nga baguhan pa lang sya... hindi nya pa alam kung paano ang pasikot-sikot sa mga codes-codes na yan at napilitan syang sabihin sa akin. Hahaha! Nagpapatulong kung paano paltan ang ganito... ganyan!! Hanggang sa naging ITO na talaga ang naging bahay nya. Maraming salamat pala kay TiKeY sa paggawa nya ng header sa bahay ng mylab ko! Isa kang henyo... hehehe! Thanks talaga!


Natutuwa ako dahil may talent pala ang asawa ko! Hehehe... di ko akalain na magagawa nya yon. Ibang talent ang sinasabi ko ha... yung talent na kaya nyang ipagsigawan sa lahat kung ano nararamdaman nya, shy-type kasi yan! Buti nga ngayon, hindi na masyado dahil nahawa na sa kabaliwan ko!

Sana po e puntahan nyo ang kanyang bahay! Hehehe... aliwin nyo ang asawa ko! Hahaha! Joke lang! Basta, pag may tym kayo... dalaw kayo at for you naman mylab, enjoy ka lang sa pagba-blog ha! Welcome po... :) Mwuahugggzz! Aylabyu to the nth power! Hahaha!
posted by rHo at 12:02 AM | Permalink | 71 commenti

Air Show

October 15, 2006
Maaga akong gumising kanina dahil first time kong makakapunta ng Air Show dito sa base! Anung meron?! Hmmmm... ang alam ko lang nung una e mga iba't-ibang klaseng jets from different bases at natural magsho-show sila sa air! Hahaha! Kulit eh! Lumabas ako kanina ng pinto para tingnan kung malamig ba or wat at nang malaman ko kung anong isusuot ko! Hehe! Yay.. ang lamig pero ang ganda naman ng sikat ng araw! Susme! Ang daming sasakyan sa tapat ng dorm namin at yung iba e naglalakad na! Naku po! So, malamang ganun na nga rin ang gagawin namin.... maglalakad papuntang flight line at for sure puno na rin ang parking don! Oks lang naman.. exercise na rin!

Pagdating namin don, nagsisimula na pala ang show! May mga booth.. at kung ano-anong klase ng jets. Naglakad-lakad na lang muna kami at picture-picture syempre! Hehehe! Yung nasa taas, yan yung C-135. Ang sinasakyan ng mga AF Reserve pag mag-TDY sila. Sa baba naman, yan yung sa loob! Ang laki sobra... tapos sa tabi lang kayo naka-upo and then ang dami masyadong gadgets!

C-135 inside C-135

Ito naman ang mga F-15. Yan ang jets na ginagamit ng mga piloto dito sa base namin sa North Carolina.

F-15 F-15 Image Hosted by ImageShack.us

Sa taas naman ang Thunderbirds, galing pa ng Air Force Base sa Georgia. Syempre, mawawala ba naman ako sa usaping ito! Hahaha... extra lang sa picture! :)

Thunderbirds Rho & Arianna

At syempre, ito na ang pinaka-hilights. Ang galing! Paikot-ikot yung mga jets.. yay! Siguro, hilong-hilo yung piloto nun at saka yung mga usok... iba-iba ng kulay and may mga formation pa! Una magkakadikit yan sila... as in pantay-pantay talaga.. tapos yan na, naghiwa-hiwalay na!

Image Hosted by ImageShack.us

Haaaay... nakakapagod sobra! Ilang oras lang kaming nag-stay don at ang dami na ring tao, siksikan na! Since maglalakad na naman kami pauwi, sisimulan na namin db?! Pero di yata kinaya kaya nagpahinga muna kami.

upo sa tabi! hehehe!

After naming makarating sa parking area at kunin ang sasakyan, dumeretso kami sa Coldstone para malamigan ng konte. Hehe... saraaaaapp! Pag-uwi ko ng dorm... haynako, bagsak ako at napaidlip ako ng konte. Nang magising ako, naalala ko... hindi pa pala napapalantsa ang uniform ko! Kaya heto... habang namamalantsa e nagco-computer! Hahaha! Iniiwan ko lang naman yun para tumigas pa lalo. Nakowwwsss... ni-sprayan ko kasi yan ng starch para magkaron ng creases at tumigas! Ang daming arte talaga! Lichugas! Kelangan eh... sabi kasi ni commander! Hehehe!

Have a great Monday sa inyong lahat! I hope naging masaya rin ang weekend nyo!
posted by rHo at 10:49 PM | Permalink | 43 commenti

Survivor... yeah!

October 10, 2006
Para sa akin, hindi nabibigyang kahulugan ang KALIGAYAN sa kawalan ng problema sa mundo. Ang pagtagal mo sa laban ng buhay ay napakahirap suungin. Paano natin mapapanatili ang ating sense of humor at ma-experience ang sense of balance sa ating buhay? Paano ba tayo mamumuhay ng may sense of satisfaction at hindi yung basta nasabing naka-survive ka lang? Paano rin ba i-celebrate ang buhay?! Paano ba.... paano??! Napakaraming tanong at sa totoo lang... hindi ko rin kayang sagutin ang mga tanong na ako rin mismo ang bumuo sa isipan ko. Mayroon lang akong ilang guidelines. Maaring pumatok sa iba, maaring hindi... ni-share ko lang!

1. Life Isn't Fair. Aminin na natin, totoo db?! Gaano man tayo kagaling sa pakikihamok sa dagok ng buhay... lalabas pa rin tayong luhaan. 'Nak ng tokwa.. napakasakit na katotohanan at masasabi mo na lang, "aruykupu, napakasakit kuya eddie!" with matching "huhuhuhuhu!" ka pa! Maging handa na hindi lahat ng paghihirap mo ay laging may kapalit na positibong resulta. Well, negatibo man yan o kung ano... ang mahalaga, lumaban ka! db?!

2. Suffering. Ang paglago ng sinasabi mong "ikaw" ay hindi madali, marami kang mararanasang sakit. Hmpf! Lahat naman tayo nasasaktan db?! Manhid na lang ang hindi. Dangan nga lang at marami pa rin sa atin ang napakagaling magtago ng sakit na nararamdaman na animo'y mga artista sa entablado. Wow! Sana ako rin ganyan... pero, mahal ang talent fee ko e! Haha!

3. Personal Responsibility. Tayo ang responsable sa bawat desisyon na ating ginagawa. Maging handa tayo sa anumang consequences ng mga ito. Trial and error ba?! Hindi naman siguro... pero minsan kailangan nating i-take ang risk para makuha natin ang gusto natin. Wag tayong matakot... dahil sa bandang huli, wala akong pagsisisihan dahil desisyon ko yon.. AKIN YON!

4. Pagpapahalaga sa Sarili. Lahat tayo ay nilika ng Dyos na may kani-kaniyang talento. We are all special in our own little ways. Hindi ko na siguro kelangan i-ellaborate 'to... gets nyo na siguro ang gustong iparating ng utak ko.

5. People Need People. Sabi ni John Donne, "No man is an island." Matagal ko ng nababasa yan, totoo nga naman db!? Hindi naman tayo itinakda para mabuhay ng mag-isa. Trahedya ang sasapitin mo nun, mababaliw ka pa! Tsk...tsk... Halos lahat e nag-uugat sa relationship! Hindi lang pang-jowa to ha pwede rin relationship sa magulang, sa kapatid, sa kaibigan, sa kapitbahay, sa teacher at sa kung sino-sino pa. Kailangan nating ipadama na kailangan natin ang isa't-isa. Aminin mo na... maliban na lang kung gusto mong maging hermit at tumira na lang sa kagubatan! Hehe...

6. Ang Misteryo ng Buhay. Kala ko nuon, rosary lang ang may mystery pati pala ang sarili ko meron din. Nakowsss! Ang buhay ay hindi isang napakalaking problema na kailangan mong i-solve. Pag nangyari yun, baka ang gawin mo na lang e mag-solve ng mag-solve dahil walang katapusan ang problemang yan, pramis! Hindi mo napapansin... ang dami mo na palang nami-miss! Kailangan nating mag-enjoy kasama ang mga taong handang maki-iyak, makitawa at makigulo sa'yo. Di ba mas masarap kung sama-sama nating tuklasin ang hiwaga ng buhay dahil I know may mga segway pa yan e! Hahaha... like, o kain muna tayo dyan.. tigil muna dyan.. pa-gas muna dyan, dito muna tayo at kung ano-ano pa! Hahaha! Ang sarap-sarap ng byahe pag ganyan...

So ano!? Kaya mo pa ba!? Tara na! Pramis... sasamahan kita at sabay nating kakantahin ang I Will Survive ni Gloria Gaynor!!! Hahaha!
posted by rHo at 2:18 PM | Permalink | 82 commenti

Bagong Celfon at Gala

October 09, 2006
Masaya na ako ngayon dahil bukod sa walang masamang nangyari sa aking asawa nung sya ay nadukutan ng phone e nakabili na ulit sya ng bago! Yung mumurahin na lang, txt at tawag na lang para hindi prone sa mga lichugas na mandurukot na yan! Kinuwento ko kay hubby ang mga messages nyo. Maraming salamat daw po at na-touch syang talaga! Hmmm... yay... gising na gising pa ako at wala akong magawa. Since wala naman kaming pasok mamaya sa work dahil Columbus Day... magblo-blog na lang ako! Hehehe!

Last Saturday e nagpunta kami sa Wayne County Regional Fair! Oha! Kalandian! Hahahaha! Pinaganda pa ang pangalan e, tagalugin ko na lang... PERYA yan kung tawagin sa atin. Ang kaibahan lang, masyadong maraming ilaw na kumukuti-kutitap sa mga rides at sa mga tindahan ng pagkain en di gaya sa atin, walang Bingo dito! Ok lang, hindi naman ako marunong maglaro nun. Ang alam ko lang e maglagay ng mga bato sa karton. Hehehe!


Masaya naman, yun nga lang medyo umaambon-ambon saka ang lamig na! Sobraa!!! Pumasok kami sa isang booth na parang maze! Susme! Nagkauntog-untog pa kami dahil puro salamin lang talaga sya.. o e ano ba?! Tawa lang ako ng tawa! Hindi ko na pinansin kung makakalabas pa ba kami or wat kaya.. picture-picture na lang ang ginawa namin.

Ang daming tao, yun pala e last day na! Buti na lang at umabot pa kami.. at syempre, umabot din kami sa fireworks! Tuwang-tuwa ang batang kasama namin at syempre, kami na ring matatanda! Hahaha! Joke lang... hindi naman masyadong halata noh! After ng fireworks, medyo lumalakas na ang ulan kaya nagyaya na kaming umuwi kesa naman magmistulang basang sisiw kami don noh. Hindi na kami kumain dun kasi naman ang mahal sobra sa loob!! Kaya.. deretso na lang sa Chili's! Hmmmm.... sarap!! Solve ang Saturday night ko..

Kayo?! Musta ang weekend nyo?! Happy Monday sa inyong lahat!

posted by rHo at 12:34 AM | Permalink | 62 commenti

Pag Minamalas Nga Naman

October 05, 2006
Haaaay... sabi ko na nga ba e! Nag-aalala na ako! Dati-dati bago pumasok ng work si hubby, tine-text nya ako para ipaalam kung nasan na sya. Kanina nagtaka ako dahil wala akong natanggap na kahit isa man lang text from him. Naghintay pa ako ng konte... pero kinutuban na ako, kakaiba talaga!

Kumain ako and then pagbalik ko ng dorm, may voicemail na sa akin ang ate nya. Anu kaya ang nangyari?! Paanong tatawag sa akin si ate e ang aga-aga pa sa Pinas. Ayun na... nadukutan daw ng celfon si fafah mike ko! Waaaaaahhhh.... naloko na! Tinanong ko kung nasan ang asawa ko, sabi ni ate nakarating naman daw ng maayos sa work, yun nga lang.... wala na ang celfon nya! Haaay... buti na lang at celfon lang ang kinuha sa kanya at hindi sya sinaktan o anuman. Tinawagan ko pa nga yung phone nya at ang kapal ng mukhang sagutin pa nung nagnakaw na akala mo ba e kanya talaga yung phone na yun!!! Nagsisisigaw pa ng "pare, babae.. babae!!" Huhuhu... balik mo yang phone ng asawa ko!!!!!!

Natatakot na ako! Pangalawang beses na 'to, sana naman e hindi na maulit dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. I'm still thankful kay Lord dahil nakarating pa ng maayos sa trabaho si Mike. Haaaay.... sa uli-uli nga e mag-ingat na po ha!!
posted by rHo at 7:11 PM | Permalink | 52 commenti

Walang magulo... Pagod ako! Ganun?!

October 02, 2006

Masyadong nakakapagod ang araw ko ngayon. Nag-ayos ng ilang computer, inayos ang orders ng mga pilotong yan! Naku, nakakainis na sila... kasi naman hindi naman ako machine noh! Bayaan pa nga sila... pero, aha... pagpatak ng 3:30 e pumunta na kaagad ako ng track para tumakbo, cancelled kasi yung isang training exercise na ina-attendan ko. Aba naka-4 miles din ako kaya ayos na! Hehehehe... konting push-up saka sit-ups! Sana lang talaga pumayat na ako! Hahahaha! Ang sakit ng katawan ko sa totoo lang! Nagpapahinga ako sa kwarto ko ng bigla namang tumawag ang isa kong kaibigan.... naku, sasamahan ko nga pala syang bumili ng isda! Kaya yon.. bago lang kasi sya dito kaya sinamahan ko na rin. Anak ng kutong lupa.. pagdating namin dun sarado na! Waaaaaaaaaahhhh.....

O e di balik na naman kami sa base! Hindi ko na sinayang ang pagkakataon... pagbalik namin dun ako naman ang nagpasama para magpa-car wash! Hehehe... aalis kasi ako bukas kaya kelangan maayos ang sasakyan ko. Wala lang... para happy! Baliw!

Pagkatapos namin nun, nagyaya namang mag-tennis! Sa totoo lang... kahit pagod na ako, nag-enjoy ako sa paglalaro. Kasi wala akong ginawa kundi tumawa nang tumawa habang naghahabol at tumitira ng bola! Nakakahiya pero buti na lang wala masyadong tao! Hahaha! Ganon?! Yes, ganon nga talaga! Perst tym ko lang kasi maglaro ng tennis na yan. Sa tingin ko mauulit talaga... ako na ang papalit kay Anna Kournikova. Hahaha!

Kumain ako ng kaunti... pero eto naman ako ngayon. Nasusuka ako, haaaaay bakit kaya!? Lagi na lang ganito pagkatapos kong kumain. Minsan yoko na kumain natatakot na ako. Aba, sayang lang yung mga kinakain ko ha! Lolz! Naalala ko tuloy yung ginagawa ni aso sa Alamat ng Gubat! Ewwwwwwww..... joke lang! Hahaha! Pasensya...

So, yan lang naman ang nangyari sa akin ngayong araw na 'to! Hmmmm.... nag-lose na kaya ako kahit 1 lb lang sa dami ng ginawa ko ngayon?! Sa tingin nyo!? Hehehe....
posted by rHo at 9:36 PM | Permalink | 48 commenti

Who is Who?

My Photo
Name: rHo
Location: Goldsboro, North Carolina, United States


smile lang





Credits

 
Distributed by:
Template copyright :
V4NY ONLY TEMPLATES


Powered by Blogger