Ang Pagbabalik At Ang Music in My Life

September 27, 2006
Hep.. hep... hep.. ako naman! Hooorrraaay!! Matapos ang halos ilang linggo kong hindi pagpaparamdam e narito na po ulit ako! Yesss, tama po ang inyong narinig! Hahaha! Andito na ako!!! Nakaraos na po ako sa wakas, though hindi ko pa alam kung anong resulta pero sana naman maganda db?! Well, who knowss... abangan na lang natin yon! Lalo tuloy akong kinakabahan, pero at least.. natapos na db!? Haaaaay.... nakahinga na rin ako ng maluwag.
Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagdasal at sumuporta para malampasan ko ito. I can feel talaga mga friends! Hindi ko na kayo iisa-isahin, alam nyo na kung sino-sino kayo! THANK YOU NG MARAMI!!! Hehehehe...

Anyway, nasilip-silip naman ako paminsan-minsan sa mga bahay nyo e hindi lang nagpaparamdam... kasi baka matukso akong tagalan ang pagco-computer e hindi naman dapat db!? Hehehe! Masyadong late na ito pero.. ayan Kuya Rey, sagot ko sa tag mo! Yan ang mga musika sa aking buhay... mga tunog sa tenga na minsan maingay, minsan senti ang dating minsan naman wala lang! Ang gulo noh?! Ganyan kasi ako... magulo rin pero masasabi kong ako'y mababaliw pag walang musika. Ikaw ba naman ang simula pa maliit e naliligiran na ng mga manganganta... e ewan ko na lang kung hindi pa ako magka-interes sa MUSIC na yan! Hindi ito sunod-sunod pero ilan yan sa mga lagi kong pinapakinggan. O heto na...

1. Kanlungan by Noel Cabangon - all time peborit ko ito. Elementary pa lang ako e gustong-gusto ko na yang kantang yan at mabenta talaga sa school. Yung teacher ko kasi nun e kapag pinagsasagot kami ng mga exercises sa book, with matching radio pa yan! Minsan may Michael Jackson at dun ko nga unang narining ito. Ang ganda db!?

2. Kailan Pa by Parokya Ni Edgar - nung friends-friends etching pa lang kami ng mylabs ko e sa tuwing tatawagan nya ako... lagi yan ang background song. Hindi ko naman pansin dahil nga nag-uusap naman kami. Nung sinagot ko na sya ska nya pinaalala sa akin yang song na yan, simula tuloy nun e hindi ko na makalimot-limutan.

3. Awit ng Saya by MYMP - para sa aking one and only mylabs! hehehe...

4. When You Cry by Vertical Horizon - ang kanta sa tuwing mag-aaway kami. Hahahaha! Alam nyo naman ang mga girls, konting iyak lang e natataranta na ang mga pakners. Kaya yan ang lagi nya sinasabi... "It hurts when I see you cry." Nak ng tinapay... asusss!

5. Angels or Devils by Dishwalla - gusto ko lang tong kanta to kasi nakaka-touch nung namatay si Ryan. Kung isa kayong hibang na hibang na nanonood ng Smallville gaya ko, mage-gets nyo ang sinasabi ko! Hehehe! Basta, I just like the band Dishwalla, nahawa na ako sa asawa ko.

6. Iwanan Mo Na Sya by Parokya ni Edgar - wala akong ginawa kundi tumawa ng tumawa sa tuwing maririnig ko tong kantang 'to! Hahaha! Talagang gagawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig ano?!

7. Reaching for You by Hillsongs - ang lagi kong kinakanta o pinakikinggan kapag nalulungkot ako. Pag minsan e hindi ko na alam kung ano ba ang purpose Nya sa lahat ng mga nangyayari sa akin... this song always lifts me up.

8. When God Made You by Newsong - this song makes me wonder na.... siguro, iniisip ako ni Lord nung ginagawa Nya ang asawa ko noh?! Basta, ang galing! I will always be thankful for giving me such a special gift.

Ayan, napasobra tuloy! Sabi 7 lang pero naging 8. Hahahaha! Actually, marami pa akong mga nakatagong song dito. Ilan lang yan sa mga favorites ko, paiba-iba... depende talaga sa mood. Pwede nyong pakinggan ang mga songs na yan DITO. Hmmmm.... dapat ba merong pagpasahan nito??! O sige, kay kepyang na lang saka kay potpot ang susunod!!

Thank you ulit sa lahat na laging dumadaan dito at sa lahat ng mga prayers nyo!! Sabihin ko sa inyo kung ano ang resulta...

***UPDATE...UPDATE***
Alas-otso ng umaga... kakapasok ko pa lang ng trabaho (hahaha! blog talaga ang inuna e!) Yeheeeeeyyy.... salamat kay Lord, dininig Nya ang prayers ko at prayers nyo!! Nakapasa akooooooo!!!! Waaaaaaahhhhh.. tenchu.. tenchu very much sa lahat po!!

posted by rHo at 7:48 PM | Permalink | 42 commenti

help!!!

September 18, 2006
Grabe na 'to... para akong nasa kumukulong asupre sa sobrang init sa opisina namin. Pakiramdam ko binubugahan ako ng sampung fire dragon!! Waaaahhh... akala ko mahihimatay na ako kanina, grabe!! Ang init talaga! Feel nyo ba??! Hahahaha...

Sira daw kasi ang AC sa buong building! No choice kami, umagang-umaga pagpasok mo pa lang ng pinto... manunuot na talaga yung init sa ilong mo! Hmpf! Sayang naman yung ligo ko, pinagpawisan agad ako ng todo! Naglagay ako ng electric fan sa tabi ko, kahit nalulunod na ako sa hangin nito ayos lang.. makaramdam lang ng konting lamig. (Take note: ilang years din akong tumira sa Alaska kaya kakaiba na ang dating ng init sa akin.) Kainis.. nagtiis-tiis pa ako ng konte hanggang lunch time pero pagbalik ko, ang dilim naman sa opisina namin! Anu ba 'to!? Feeling ko e hell na talaga ito! Susme! Brown-out naman daw... ay, nalintikan na! Waaaaaahhh.... kakayanin ko pa ba??! Sobra talaga! Mukhang nakaramdam si Commander.. yeheeyyy... pinauwi na lang kami at talaga namang wala ng gagawin sa opisina noh! Oo nga naman, para lang kaming sinusunog ng buhay! Hehehe! Eto ako ngayon... nag-aaral-aralan sa room ko pero bakit nakaharap ako sa computer?!??! Noooo.... hindi pwede!! Haaaayy.... konti na lang!

P.S.
Ipagdasal nyo naman po ako! Sa September 27 na po yung Promotion Test ko! Sana... sana.. sana... para matuwa naman nanay at tatay ko pati na rin ang pinakamamahal kong mylabs! hehehe! God kayo na po ang bahala sa akin, pero syempre I will do the rest! Mag-aaral po akong mabuti... promise! Kaya mga ka-blogkada... dito muna ako ng mga ilang days ha! Wala muna ako computer.... :( Seriously po, I need your prayers! Thanks po ng marami... Ingatz!!!
posted by rHo at 3:48 PM | Permalink | 44 commenti

rainbow

September 15, 2006
rainbow

If I could catch a rainbow
I would do it just for you,
And share with you its beauty
On the days you're feeling blue
posted by rHo at 12:26 AM | Permalink | 29 commenti

hot DOG

September 13, 2006
fafah holding chu-chu's

Ayon sa mga Tsino tayo ay nasa taon ng "Aso". Naks naman! Yes.. Dog po mga kafatid. Tiningnan ko sa Google kanina... 2006 is the Year of Hot Dog! Talaga lang ha?! Hahahaha! Well, hindi naman tungkol sa Year of Doggies ang tatalakayin ko ngayon (mam, pwede na bang maging guro?! hahaha!). Tanggalin na natin ang year... dogs na lang! Ang dami ko kasing tanong na hindi ko naman alam kung ano ang sagot. Marami rin nman akong napapansin sa kanila at minsan nasasabi ko na lang... "ay buti pa ang mga doggies!" Baliw na kung baliw! Oh e ano ngayon, halata bang miz ko na ang mga utol kong doggies sa bahay. Hahahaha! Hmmmmm.... Oh eto na naman ako, ang kung ano na naman ang nasa isip. Keber!? Basta...

1. Bakit ba takot maligo ang mga aso!? Sa kung sino man ang nakakaalam ng dahilan, sabihin nyo nga sa akin! Kasi naman, di sila pusa para katukatan ang tubig db!?

2. Bakit takot ang mga aso sa paputok lalo na t'wing bagong Bagong Taon. Nakikita ko kasi yung mga aso namin talagang nanginginig pa! AS IN! Ngunit, subalit, datapwa... napag-alaman ko rin na hindi lahat ng aso e ganoon. Yung bagong generation ng mga aso sa bakuran namin e, tinatahol pa nila pag nakakarinig ng paputok... nakakatawa dahil yung mga mas matatanda sa kanila e nasa bodega at pinagpapawisan pa!

3. Bakit pag iihi ang aso, nakataas ang isang paa! Hmmmm... nagba-balance kaya or what?!


Ah, ewan! Mga walang kwenta ang tanong ko!? Wala lang... naisip ko lang naman ang mga "bakit" sa buhay ng isang aso. Pero napasin ko sa kanila, gaano mo man sila kadalas pagalitan, hindi nasama ang loob bagkus ay lalo pa silang lalapit sa'yo. (ganito yung aso namin ha... ewan ko lang sa iba!). Sana maging katulad din nila tayo noh?! Gaano man kalupit ang dagok ng buhay... lagi nating tandaan, there's always a bright side! Enjoy life to the fullest.... at gaya rin nila maging malugod tayo sa mga simpleng kaligayahan na dulot ng mahabang lakbayin.
posted by rHo at 1:58 PM | Permalink | 26 commenti

Folding Project

September 11, 2006
Finally, nakakatulog na ako ng maayos nitong nagdaang araw! Yessss!!! Ako na mismo ang tatapos sa mga kadramahan ko.... sa una lang naman yun db!? Kaya matagal akong hindi nakapag-update because I just give myself time para naman unti-unti ko ulit maiayos ang sarili ko... gayundin, maibalik ko ulit sa dati ang lahat lalo na sa trabaho! Hehehehe... Basta, oks na oks na talaga ako ngayon.... promise!!!

Hmmm... pagbukas ko kanina ng e-mail ko, ito agad ang tumambad sa akin galing sa isang kaibigan. Nye! Folding project??! Kala ko naman kung ano... gusto ko lang i-share sa inyo! Para dun sa mga walang $20 bill, tingnan nyo na lang yung mga picture... :)


1.) Fold a $20 bill in half



2.) Fold again, taking care to fold it exactly as below



3.) Fold the other end, exactly as before



4) Now, simply turn it over...



What a coincidence! A simple geometric fold creates a catastrophic premonition printed on all $20 bills!!! COINCIDENCE? YOU DECIDE! Tingnan nyo ulit, una... Pentagon was on fire, pangalawa... yung Twin Towers at ngayon, tingnan nyo to! Hmmmm....



TRIPLE COINCIDENCE ON A SIMPLE $20 BILL. It gets even better!! 9 + 11=20 for $20!! Hindi lang yan, kung ano-ano pa ang ang nareceive kong e-mail kanina! Sana lang matapos na ang lahat ng kaguluhan. Let there be peace on earth na lang db?? Well may isa akong gagawin....

.... ang i-celebrate ang kaarawan ng isang kaibigan! HAPPY BIRTHDAY TK! Wish you the best of everything my dear. May God continue to bless you... be happy always!
posted by rHo at 9:07 AM | Permalink | 48 commenti

i pray....

September 06, 2006
sentihan


Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka, makasama ka
Yan ang panalangin ko

At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Wala ng iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihin minamahal kita



Tamang-tama naman ang kasikatan ng kantang ito sa nararamdaman ko ngayon. Yan lang talaga ang panalangin ko... tanong nga sa akin ni te ghee kung may "aftershock" pa raw ako, sa tingin ko meron pa nga! hmmmm.... pero kahit na... sa tagal ba naman naming magkahiwalay ni hubby, siguro naman it's about time na db?!! Sana pagbigyan kami... ngunit hindi ako magsasawang maghintay at manalangin sa Kanya dahil alam ko may magandang bukas ang naghihintay sa amin. Nagpapasalamat pa rin ako sa araw-araw na blessing na binibigay Nya sa aming mag-asawa... gayundin sa kalakasan ng loob upang labanan ang bawat pagsubok na dumarating sa araw-araw naming pakikibaka.... kahit hindi pa kami magkasama.

Gusto kong isigaw ang kung anong nararamdaman ko! Sana nga nakikinig ka.... konting tiis pa db?! Sa totoo lang nahihirapan ako... pero kung nuon nga nakaya natin, ngayon pa?! Alam ko marami pang darating upang pandayin ang pundasyon na mayroon tayo. Wag kang mag-alala buong tapang ko silang haharapin with matching smile pa dahil alam ko IKAW ang kasama ko at hinding-hindi mo ako papabayaan. Tayong dalawa ang kapit-kamay na susuong sa mga problemang iyon.

Thank you very much for everything... sa sitwasyon natin ngayon, mas higit nating kailangan ang isa't-isa. Salamat sa laging "pag-touch" ng buhay ko, mga simpleng bagay na nagpapasaya sa akin.... even simple things na pwede akong masaktan... alam na alam mo kung paano gawin and i do appreciate it, na-hurt man ako o hindi! Alam kong gusto mong may matutunan ako... at hindi ka nabigo, I'VE LEARNED A LOT.. and still learning kasabay sa pag-inog ng mundo.

Miss lang siguro kita ng sobra.... oo miss nga kita! Sana talaga time will come na magkasama na tayo. Kung kelan man yon??! Nobody knows... all I know is mahal na mahal kita despite the distance. Bsta, kaya natin to! Ingat ka na lang lagi at wag mong pababayaan ang sarili mo. Always remember na I'm always here for you... hindi ko man minsan maibigay kaagad ang tulong na hinahanap mo, but I want you to know na sasamahan kita lagi gaano man kahirap ang lakbaying ito.....
posted by rHo at 9:18 PM | Permalink | 50 commenti

Here I Am Again....

September 04, 2006
Kakabalik ko lang po kanina galing ng Pilipinas! Haaaaayyy.... sobrang haba ng byahe! Grabe! Ang sakit ng likod ko at pwet ko!! haaayynako naman talaga!!

Medyo pagod pa rin ako at syempre pa, todo emote pa ako! Alas singko na ng madaling araw dito e heto't gising na gising pa rin ako! Hindi ako makatulog sa lungkot! Kakainis! Haaayyy... namimiz ko na ang mylabs ko!! Grabe na talaga to... sa tatlong eroplanong pinaglipat-lipatan ko e wala akong ginawa kundi ang umiyak! Ang corny noh?! Sumakit na nga ang ulo ko kinaiiyak na yan... buseeettt!! Talagang ganyan ang mga mada-drama, walang pinapalampas na lugar! Haaayyy...

Sa dalawang linggo na inilagi ko sa Pilipinas, nag-enjoy talaga ako! Soooobbrraaa! Pagbaba ko pa lang ng eroplano, si hubby na agad ang nakita ko! Ayyyy... kay sarap na feeling naman!! Pauwi ng Laguna, tawanan lang kami ng tawanan ni Mike samantalang yung mga kasama niyang sumundo e mga tulog na lahat!! Madaling-araw na kasi ako dumating sa pinas e! Pakelams baa?! Hehehe...

Tinatanong nila... "Bakit two weeks lang???!" nangiti na lang ako kasi.. ang totoo, makikibertday lang ako! Hahahaha! August 26, birthday ni Mike... August 27, ang araw ng kami'y ikasal... at syempre pa pagpatak ng August 28, bertday ko na yan!! hehehe... kaya kahit two weeks yan, sobrang importante ang mga araw na yan at pinilit ko talagang umuwi! At itatanong nyo naman, anong nangyari ng mga araw na yan??! Super sa sayaaaa!! Pinagsama namin ni Mike ang family nya at family ko kaya talagang karibok! Nag-rent kami ng isang place na kasya kaming lahat... en voilaa... nag-enjoy ang lahat! Nagpakasawa sila sa tubig, sa videoke, sa lambanog, sa beer, at sa pagkain!! Hindi ko talaga makakalimutan ang selebrasyong ito! Pero na-touch ako naman ako sa pakana ni hubby... nagpadeliver ng flowers sa akin! Nagulat pa ako at sino naman ang magpapadala skin non e may asawa na ako... nyeee.... asawa ko pala ang nagpadala! Ang sweet talagaaa!! Haaaaaay.... ang ngiti ko ng araw na yon e abot hanggang tenga at kinikilig-kilig pa!

O ayan.... yan ang dahilan kung bakit ako umuwi! hehehe! Ang special moment namin ni Mike! Yung song na naririnig nyo ngayon.. yan ang song habang naglalakad ako sa altar! "The First Time I Loved Forever"... o d ba??! Ang aking first en last... ang storya naming dalwa??! That's another entry! *winks*! Haaay... sarap balikan ng nakaraan... 1 taon na pala ang nakalipas! Ang bilis talaga ng panahon noh?!

i love you!!


Okay, mabalik nga tayo! Naiiyak na naman ako.... nakoooowww!! So yun, walang araw na hindi kami magkasama, talagang sinulit eh! Kaya nga siguro nahihirapan ako ng ganito dahil lagi kaming magkasama pati nga sa EB ng mga bloggers e andun din sya! Salamat lojik, mam teks at mam rems sa inyong pagpunta! Nasilayan ko na rin sa wakas ang inyong kagandahan... hehehe! Ang saya-saya naman ng EB na yun! Trulili talaga... sa susunod ulit ha! Kay sarap naman ng bukayo at panutsa.. pati na rin yung CD, masarap! hehehe! Kung ano ang naging resulta ng aming EB... puntahan nyo na lang ito at ito!! hehehe... para naman feeling nyo e naki-EB na rin kayo... sayang naman razzy, na-miz mo yan! Sa susunod kasi... ipagpaliban muna ang raket ha! Hehehehe! Ayan tuloy...

Ehem... alam nyo ba, may isa akong wish..... sana makatulog na talaga ako! Haaaaay... miz na miz ko na si mylabs ko sobra!! Parang gusto kong bumalik ulit ng Pilipinas.... ngayon na!! Haaaaayyy....

P.S.
Maraming salamat pala sa laging pumupunta dito sa bahay ko habang ako ay nasa Pilipinas!! At habang ako naman ay nasa pinas, thanks din kay kuya kukote na laging nagte-text... ay hindi pala lagi, minsan lang pero tenchu na rin ha!! Thank you sobraaaa.... mwuahugggggzzz sa lahat!!!
posted by rHo at 5:11 AM | Permalink | 38 commenti

Who is Who?

My Photo
Name: rHo
Location: Goldsboro, North Carolina, United States


smile lang





Credits

 
Distributed by:
Template copyright :
V4NY ONLY TEMPLATES


Powered by Blogger