Babalik ako... :)

August 18, 2006
Pinas Kong Mahal!


Saan ka man naroroon ngayon
Saudi, Japan, o Hongkong
Babalik ka rin, babalik ka rin
Babalik ka rin

Anumang layo ang narating
Singapore, Australia, Europe o Amerika
Babalik at babalik karin
Kay tagal mo nang nawala
Babalik ka rin, babalik karin
Kay tagal mo nang nawala
Babalik ka rin babalik ka rin

Sa piling ng iyong pinagmulan
Sa iyong nakaraan
Babalik ka rin, babalik ka rin
Babalik ka rin
Anumang layo ang narating
Iyong maaalala, mga dati mong kasama
Babalik at babalik ka rin

(Repeat Chorus except last word)

...rin

Sa pagkalipas ng panahon, sa iyong kahapon
Sa alaalang naghihintay sa'yo

(Repeat Chorus)

..at babalik ka rin
At babalik ka rin
At babalik ka rin
At babalik ka rin

talagang nilagay pa ang lyrics e! hindi talaga makuntento... hahahaha! tsk.. tsk.. bakit ba?! e excited ako e! hihihi... bukas naaaaaa!!! bsta, sisilip-silip pa rin ako dito! mam teks & mam clown, sana hindi lang drawing ang lahat ng iyon.... sana matuloyyyyyyy!!! hehehehe... txt-txt na lang tayo! razzy & lojik.... tara!! sama din kayo ha... unlimited na ako!! wooooohooo.... wan tu sawa na ang text nito! hehehe....

hmmmm.... ito ang una kong gagawin pagdating ko! hehehe... miz ko na ang isaw ni metog! saraaaaapppp with lotsss of suka!!! haaay... sarap sobra! ulam ko pa minsan sa kanin yan! hehehe...

isaw... :P
posted by rHo at 9:54 AM | Permalink | 53 commenti

malapit na!

August 16, 2006
Hindi na ako mapakali.... pakiramdam ko ang dami-dami kong dapat habulin at ang dami-dami kong dapat gawin! hahaha! Pero I know, focus lang yan!! Na-miz ko lang siguro kayo ng sobra. Kasi naman sunod-sunod ang mga pangyayari! hahaha! Nung nakaraan kong post sabi ko nagbalik na ako.... avahhh... e biglang dumating ang sandamukal na gagawin ko sa trabaho, o e di anu pa... hindi ako nakapagbahay-bahay na naman!! hehehe! Ganito ba talaga pag aalis ka??!

Speaking of aalis... yesss... excited na ako! Ilang tulog na lang... makikita ko na ulit ang mahal kong Pilipinas! yahhhhoooooo!! Syempre pa, makikita ko na rin ang mylabs kong mahal! aysus! Nag-impake na ako kagabi, sa higpit na ng security ngayon... para walang epek-epek pa, iche-check-in ko na lang lahat! haaaaaayyyy kasi naman eh, yan tuloy nahihirapan ako! So, ready to go na ako....

Ay.... meron pa palang akong mga briefing-briefing na dapat puntahan! Masyado naman 'tong mga tao rito... nweiz, kailangan ko pa ring magsaya dahil magbabakasyon na akooooo!!!
Yesssss!!

P.S.
Dinagdag ko ang song ni Gary V..... hehehe! Feel na feel ko na talaga! O db? Talagang ni-research ko pa yan... hahaha! I LOVE YOU PHILIPPINES!!!!
posted by rHo at 10:25 AM | Permalink | 43 commenti

Okay Na Ako... Yeesss!

August 14, 2006
Matapos ang ilang araw kong pagiging high... eto na po ako at nagbabalik na naman sa blogging world! hehehe!! Hindi na masakit Kuya Eddie, medyo nagpapagaling na lang ako sa ngayon. Sa dami pa rin ng gamot na kailangan kong tapusin.... nasakit lagi ang tyan ko! No need to worry naman dahil sabi ng aking butihing doktor e normal lang yon! Batukan ko kaya?! E hindi ako nakatulog ng ilang gabi dahil sa sinasabi nyang normal na yan... hmmmpppfff....

Well, sa aking pagbabalik e matutuloy na rin ang naudlot naming "getting to know each other" drama ni Ruthing... yiheeee!!! Andito na ako bunso... hehehe!

Gusto ko pong magpasalamat (parang Star Awards ah! hahaha!)... okay, serious na... ako lang naman ang magulo e! hehehe! Hindi... trulili na talaga... gusto ko pong magpasalamat sa mga dumalaw sa akin, nag-message, nang-asar (lolz! joke lang!), nagpadala ng bulaklak, nagpadala ng card, at kung ano-ano pa! Exaggerated naman... walang nagpadala ng kung ano-ano! hehehe... Basta po, thank you po ng marami. Hindi ko na kayo iisa-isahin... alam nyo na kung sino-sino kayo. I really appreciate it po talaga... 'pag po medyo nagigising ako sa gabi, binabasa kong lahat ng mga comments nyo! Sa katulad kong nag-iisa dito... kelangan ko po talaga ang mga words na yon! Kahit ilang months pa lang ako dito sa blogosphere, I can say na... iba kayo! Astig! Maraming.. maraming...maraming...maraming salamat po talaga! mwuahugggggzzz!
posted by rHo at 9:31 AM | Permalink | 39 commenti

napakasakit kuya eddie... huhu!

August 10, 2006
Mga kafatid ko... pasensya na at ako'y hindi muna makakapaglibot sa inyong mga bahay-bahay at mansyon-mansyon, sapagkat subalit datapwat.... ako ho'y inoperahan kanina sa ngipin! hahaha! Oral surgery po... nakowwwwsss!!

Medyo na-windang ang utak ko! Grabe na to! Akalain nyo ng ilabas ako ng clinic e hindi ako makalakad! Waaaaahh... hindi kinaya ng powers ko! Pinainom nila ako ng gamot before ng operation, so ayon... nakatulog naman ako ng mahimbing. Ang huli ko lang naalala e nagkukwentuhan pa kami ng nurse... at kung ano-anong pinaggagawa sa akin! Nandoong i-strap ang mga kamay at paa ako! Sa isip-isip ko... ano ba to?! lichugas! Hindi ko na lang pinansin... bahala pa nga sila at ako'y sobrang antok na talaga! Hehehe!

Paggising ko... waaaaaaaaahhhh..... naaalis na pala't lahat ang 4 wisdom teeth ko! Ang galing-galing, so nagsalita ako, aba... nagulat ako sa sarili kong boses... sabi ko bakit ako ngongo???! Yun naman pala e may kung ano-ano ang nasa bibig ko para tumigil ang dugo! Hahahaha!

Hay nako... o sige, hanggang dito na lang po muna mga kafatid ko! Habang sinusulat ko to e ako'y nahihilo-hilo pa! Sa susunod na lang ako dadalaw sa inyo ha... mwuahugggggzzz!!!

Teka pala, ako nama'y nagtataka..... bakit ba ayaw dito sa military ang may wisdom teeth???! Hindi pa nga lumalabas yung mga yon e pinakekelaman na! Ayan, hiniwa tuloy yung gum ko! Waaaahhh.... ang sakit-sakit talaga! O sige na nga... trulili na talaga to! Sa susunod na lang ulit... mwuahugggggzzz!!!
posted by rHo at 5:02 PM | Permalink | 47 commenti

Mga Ginintuang Aral ng Buhay

August 09, 2006
Nagbukas ako ng e-mail kanina at ito ang tumambad sa akin. Hahahaha! Naiiyak na ako sa sobrang tawa, mga baliw talaga! Inalis ko po yung ilan dahil ito ay masyadong ewan! Sana mag-enjoy kayo dahil nag-enjoy ako... kababawan ko nga naman! hahaha! Apir!!!! (PUSiT... isa ka pa, kahapon mo pa ako pinapatawa ng kina-aapir mo! hahaha! salamat my friend...) Okay, ito na... gusto ko lang i-share sa inyo dahil wala lang, gusto ko lang talaga!! hehehe...

TANDANG-TANDA NAMIN NI KUYA ANG SAYA AT LUMBAY SA PODER NILA INAY AT ITAY...LALO NA ANG MGA MAGAGANDANG LESSONS NA NATUTUNAN NAMIN SA KANILA!

1. Si Inay, tinuruan niya ako ng HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas. Mga leche flan kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3. Si Itay, tinuruan niya kami ni Kuya kung anong ibig sabihin ng TIME TRAVEL.
"Kung di kayo tumigil ng pagngangawa diyan, tatadyakan ko kayo ng todo hanggang umabot kayo sa isang linggo!"

4. Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

5. Kay Inay din ako natuto ng MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."

6. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka, kung di bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

7. Kay Inay ako natuto ng science of OSMOSIS.
"P**yeta, itigil mo ang kadadakdak at tapusin mong kainin ang inihanda kong hapunan para sa iyo."

8. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
"Tignan mo nga yan dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo?!?"

9. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos kainin lahat yan gulay mo!"

10. At si Inay ang nagturo sa amin kung anong ibig sabihin ng WEATHER.
"Alangya, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

11. CIRCLE OF LIFE, ang paliwanag sa akin ni Inay ay ganito:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

12. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tatadyakan kita diyan, huwag ka ngang maguumarte diyan ng parang Nanay mo!"

13. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

14. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"Tangna kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay...."!

15. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung ano ibig sabihin ng RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay....!"

16. Si Inay naman ang nagturo sa aking kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawn mover, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpohin kita!"

17. Si Inay ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya."

18. Kay Inay din ako natuto ng WISDOM.
"Pag umabot ka na ng edad ko, saka mo pa lang maiintindihan ang lahat."

19. At ang paborito ko sa lahat na natutunan ko kay Inay at Itay ay kung ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, panalangin namin na sana'y matulad sila sa yo... haliparot!"
posted by rHo at 8:51 AM | Permalink | 38 commenti

masaya ako

August 07, 2006

Marami sa atin na pilit ikinakabit ang "kaligayahan" sa mga bagay at taong nakapaligid sa atin. Para bang... "pag hindi maulan ngayon, happy na ako!"; "pag nagkaron ako ng bagong sasakyan, magigiging masaya na ako!"; "pag pumayat na ako... magtatatalon ako sa saya! (ako ganito! bwahaha!). Ngunit hindi mo na kailangang hintayin pa ang lahat ng iyan para sabihin mong masaya ka dahil ang totoo... wala ng ibang oras pa para maging masaya kundi ngayon na! Isipin mo na lang.... kung hindi ngayon, kailan pa?!

Ang buhay ay punong-puno ng pagsubok... ng problema... ng pagdurusa! Aminin na natin.. totoo naman db!? Minsan, hindi mo na alam kung san ka pupunta o kahit minsan naiisip mo na meron pa bang lugar para maging masaya!? Sa araw-araw kong pinagdadaanan, maraming bagay ang nagpapamulat sa akin upang lubos kong maintindihan na walang daan sa kaligayahan. HAPPINESS is the way...

Bago pa natin ma-realize, nasa ating mga kamay rin pala kung pano maging masaya. Simpleng-simple.... dahil ito ay ating desisyon!

........ ngayon, desisyon kong maging masaya dahil malapit ko na namang makasama ang mylabs ko!!

Have a happy day.....
posted by rHo at 8:32 AM | Permalink | 43 commenti

10 Rules for Good Life

August 03, 2006
Kung si Thomas Jefferson ay mayroong 10 rules-10 rules na yan! Syempre ako din noh! Sa araw-araw nating pakikibaka sa buhay, sa araw-araw na pakikipagsapalaran... iisa lang ang lagi kong nasa isip... BE POSITIVE na nga lang! sus, tama nga naman ano??! Puro negative na nga yata nangyayari sa akin nitong mga nagdaang araw, e pati ba naman ako e papadala pa dyan sa negative na yan... maiba naman!! Baka magkatotoo na ang hiling ko sa bulalakaw.... hmmmm.... oh wel, eto na ang list ko!

1. Lagi kang ngumiti. Laughter is the best medicine nga daw db? Nakaka-relax din 'to pero wag naman sobra-sobra ang pagtawa ha, baka naman isipin nila e nasisiraan ka na.

2. Laging isipin kung ano ang tama. Kung hindi ka sigurado, isipin mo pa ng isipin at isipin at isipin pa ulit. O wag din sobra ha, baka mabaliw ka!!

3. Huwag kang sumuko kung alam mong mayroon ka pang magagawa. Para sa akin, walang bagay ang masasabi nating "tapos na" maliban na lang kung tumigil na tayo sa pagtangkang ayusin pa ito.

4. Maglaan ng oras para sa pamilya, kaibigan at sa iyong sarili. Dito mahahasa ang "time management" mo. o db?! showbiz na showbiz na ang dating mo kung lahat sila ay magde-demand sa'yo!

5. Makuntento ka. Maging masaya sa bawat bagay na mayroon ka. Kung wala nito, hindi mo ba maiisip na minsan pa... lumigaya ka ng dahil dito.

6. Ituring ang bawat pagkakamali na isang daan sa paglago ng iyong sarili. Walang perpekto sa mundo. Kung ikaw ay magkamali man, gumawa na lang paraan para maayos agad ito.

7. Huwag ikumpara ang sarili sa iba. Itigil na ang insecure ek-ek na yan. "Believe in yourself". go..go..go.. pustahan tayo, mayroon kang katangian na wala sila. Kung mayroon naman silang katangian na wala ka... basahin mo na lang ng basahin ang naunang sentence ko dito... for sure, lalakas ang loob mo!

8. Wag isipin ang kung anong sasabihin ng iba. Lahat tayo ay may kani-kaniyang talento, opinyon at pag-iisip... "individual differences" nga sa ingles. Kung ikaw ay isang matinong tao at mabait ka naman, hindi mo na kailangan nyan dahil kung mahal ka nila... wala na silang masasabi sa'yo db??! Tanggap ka nila kung ano o sino ka. Respeto lang po... db?!

9. Isipin ang kabutihang taglay ng bawat isa. Gaano man kasama ang tao sa paningin mo, meron at meron pa ring natitirang kabutihan sa pagkatao nito. Ikaw na ang bahalang maghanap nito... kilalanin mo syang mabuti, ikaw lang naman ang gumagawa nito e. Paano ko nasabi?! kasi, halimbawa... gusto mong makita ang pagka-engot ng kakilala mo, so syempre pa... anong gagawin mo? Hahanapin at hahanapin mo yon hanggang sa mapatunayan mo na engot nga talaga sya. Subukan mong hanapin ang kabutihan sa kanya, you'll see... magugulat ka! ;)

10. Ang panghuli at ang da best para sa akin ay.... Huwag kang magmadali sa buhay hanggang sa makalimutan mo na kung san ka ba galing or even kung saan ka ba pupunta... ang purpose mo dito sa mundo. Ang buhay ay hindi isang kompetisyon kundi isang paglalakbay na ating dapat i-enjoy. Tandaan, minsan mo lang madadaanan yan...
posted by rHo at 8:57 AM | Permalink | 66 commenti

Who is Who?

My Photo
Name: rHo
Location: Goldsboro, North Carolina, United States


smile lang





Credits

 
Distributed by:
Template copyright :
V4NY ONLY TEMPLATES


Powered by Blogger