ano...kailan...saan... bakit...paano... sino??! ako!?!

heto na naman

ayan na naman ako! nagta-type ako ngayon pero hindi ko naman alam kung san ako dadalhin ng ginagawa kong to! malungkot na naman ako??! pero alam nyo ba na may nabasa ako... sabi nila, pag malungkot ka... nagagawa mong i-open ang sarili mo or isulat gaya ng ginagawa ko ngayon.
naiintindihan ko naman na sadya talagang dumadating ang ganitong pagkakataon sa buhay ng isang tao... pero mukhang napapadalas yata sa isang tulad ko! ang hirap naman?! wala akong gustong gawin... lunes na naman bukas! pasok na naman... kakatamad na!
ewan ko ba...
dead galaw

last saturday, nag-stay kami sa bahay ng kaibigan ko. wala lang.. tambay lang, weekend eh! kagaya ng usual na nangyayari tuwing weekends, konting inuman (bakit kamo konte??! kasi kanya-kanya kaming shot... kung sino lang ang gustong uminom, e d uminom! kung ayaw e d wag... walang pilitan, tamang kwentuhan lang.), kantahan, tawanan, movies at syempre pa kainan. pero kakaiba ang gabing yon ha... akalain mong nagdala ang isang kaibigan ko ng jackstone.
so, hindi ko pinansin! sabi ko kasi sa sarili ko... ayoko na, tapos na ako sa larong ganyan. ayoko talaga!! kaartehan... anu pa't ng tulog na silang lahat, napansin ni ai yung plastic ng jackstone sa tabi. nagkatinginan lang kami... tila tinatawag kami ng mga stars! hahaha! nakita kami ni ramil... e d nakisali rin! hala.... ala una na ng madaling araw ng magsimula kaming maglaro. sige lang.. go..go..go..
o ayan na... galing-galingan na kaming dalawang babae. syempre, kailangan master na master mo dahil gurlalu kami noh!! it's a must na marunong ang mga gerlzz nyan. hmmm.... nangunguna na ako, sisiw na sisiw.. ang mga exhibition... yung tuldok, falling star na isahan lang tapos falling star na may kukunin ka, may palaka, may kweba, may simbahan pa nga e, may dalawang tuldok.... talaga naman! nagtatawanan pa kami sabay sabing... "ah... noon, di ba may ganito?? di ba may ganoon??" poooteeekk... sa tagal na ng panahon, limot na namin kung ano bang mga exhibition na yan! hanggang sa makarating na kami ng last.... yung ilalagay mo sa palad mo lahat tapos ibababa mo ulit sila isa-isa ng hindi gagalaw and then kukunin lahat... ibaba ng 2 beses. wowzeeersss... ako na nauna dun at ako ang nag-suggest non e ako pa itong na-stock sa last part na yon! packinggggsheeetttt!! ang hirap ha... lalu na't walang praktis!
kung ano-ano na ang mga pinagsasabi namin kay ramil para lang ma-destruct sya! may bakla, binabae, tita, atih, lolah, gurlalu, berdeng dugo at kung ano-ano pa! sinabi pa naming, "ang manalo, bakla!" hahaha... craziness!! pero wa-epek eh.... nung matatapos na, sabay sumigaw sya ng "BAM!!" ala Emeril ha! waaaaaaaaaaahhhhh..... BAM ka roanne, talo na!! nagtatakbo kaming dalawa ni aileen sa loob ng bahay... paikot-ikot at nagsisigaw! haha.. kung makikita nyo lang kami, para si sisang baliw na hinahanap si basilio't crispin! hahaha...baliw na nga! haaaay.... halos hindi kami makatulog nun ha, alas tres na kasi ng natapos. sa isip-isip ko.. dapat kaming mga babae ang magagaling dyan, bakit ganun??! hindi talaga pwede!
kinabukasan, kinukwento ko pa sa asawa ko... tawa lang tawa ang kumag! pero masaya ako dahil naging child at heart na naman ako! yiheeee.... ang epekto nga naman ng jackstone!
pare ko... re-match next weekend ha!!
"i have all i've waited for... and i could not ask for more"
Sa mga nakakaalam... sabayan nyo ako.... :P o kaya naman basahin nyo ung lyrics at namnamin ang nais nitong ipahatid! haaaaay.....
wisdom teeth
friday pa lang pagkatapos ng trabaho ko andun na ako... nagpapainom ng gamot, nagpapakain at the same time nag-aalaga ng anak nya! pero lam nyo, nag-enjoy ako.... ewan ko ba! wala akong naramdamang pagod. biruin nyo... nagising ako ng every 4 hrs pra painumin sya ng gamot... hmmmm... namangha ako sa sarili ko. ang mantikang matulog gaya ko e hirap na hirap gumising once na nakatulog na! hmmmm... aba... aba... aba... kakaiba huh?!
ang pinakamasaya sa lahat e ang magbantay ng ganito ka-cute na bata!! tuwang-tuwa pa ako dahil malapit sya talaga sa akin... she even call me "mama"! awwww....
umuwi ako kahapon para naman linisin ang kwarto ko... at the same time... maglaba!! isa lang ang natutunan ko sa weekend ko... "When a friend's in trouble, don't insult him by asking what you can do, think for yourself and start doing it."
Have a nice day everyone....
reasons to make me smile

my nanay en tatay... my LIFE!!my sis.... my bestfriend...
mga tropapipz... isama pa ang blogging communityif not for them.... my journey in this so called "LIFE" would not be an exciting... breath-taking... thrilling... confusing... fantastic and awesome one! thank you very much... i feel so lucky!
bakit nga ba??!
bakit ganun????
parang lahat na lang yata mali...
haaaay....
yoko na....
just imagine
habang pinapanood ko yung mga videos... nagtatalo ang isip ko, nasabi ko na lang na sana ang buhay ng tao ay ganyan din noh?! sana lahat ng problema ay gaya ng buhangin na kay bilis na naglalaho... kay bilis liparin ng hangin. ngunit sa isang banda.... ang buhangin na ginuguhit nya ay tila iba-ibang mukha ng buhay.... na sa bawat sakit at hinagpis na ating nadarama ay napapaltan pa rin ng panibagong pag-asa.... panibagong hitsura pero mas maganda kaysa sa nakaraan!
sana nagsilbing inspirasyon sa inyo ito... sa akin kasi "OO". kahit papano, naibsan ang kalungkutang nadarama ko!!
kung gusto nyo pang makakita ng performance nya... click nyo lang dito at dito pa! isa pa dito ... nakaka-relax talaga!
have a blessed day everyone!!!
ako ito
GETTING TO KNOW YOU!
Name: Roanne
Country: Philippines pero sa kasamaang palad... dinala ako ng agos dito sa North Carolina
Birth Place: Cavite
Birth Date: August 28, 1983
Zodiac Sign: Virgo
Any siblings?: dalawa... one girl, si Rochelle and one boy, si Oliver
Schools: Immaculate Conception Catholic School, Don Bosco High School, UP-an ng lata sa may Los BaƱos, University of Alaska-KC, Community College of the Air Force
Motto: "There is only one way to HAPPINESS and that is to cease worrying about things that are beyond the power of our will"
GETTING TO KNOW YOU MORE!
Describe yourself: mabait daw ako, maalalahanin daw, sweet din daw, ewan ko ba!! wala na bang kasiguraduhan yan??!! pero ito, isa lang sure na sure... simple ako!! yiheee....
Favorite Food: ay nako madameeeeee.... nilagang baka, sinantulan, lain, sinigang, laksa, langka, waaaahh nagugutom na ako!! meron pa, inihaw na isda (yung may kamatis, luya, sibuyas, bawang sa loob tapos sawsaw sa sukang may toyo), longganisa (sawsaw sa suka), yung pritong talong tapos igisa mo lang sa toyo (huwaawww... namnamnam!), bsta kahit ano kinakain ko... (kita naman ang ebidensya db?!) wag lang okra.. kasi ewan ko ba naman at ipinanganak akong hindi marunong kumain ng okra... HINDI KO MALUNOK!!! hahahaha!!
Favorite Drinks: water no. 1 (kasi ayoko ng magkaron ng UTI kinaso-soda ko), mango juice, mango shake... lahat ng may mango kahit pa in can yan.. peborit ko!!
Favorite Movie: Serendipity, At First Sight, White Chicks... marami pa!! yung iba alam ko ang storya pero limot ko na ang mga title sa dami.
Favorite Actor: si Michael Suyosa... kilala nyo un??!
Favorite Actress: Julia Roberts
Favorite Song: How Did You Know, Parokya's Song.. for life!
Likes: kumain, matulog, magbasa ng kung ano-ano, manood ng movie syempre pa kasama si fafah kalbs, laruin ang mga aso, mag-computer, matulog na lang ulet!
Dislikes: kung si te diosa e tupperware... ako.. ayoko ng "orocan people" - ang plastik na walastik!!!
Chumboys: mas marami keysa sa chumgirls kasi lagi akong inaalagaan e ang mga chumgirls... puro awayan!! mang-ookray pa... ohhhh.... in general yan ha... walang tatamaan dahil pag tinamaan, e d tinamaan!
Chumgirls: love ko sila! yiheeeee....
A LITTLE PERSONAL!
First crush: meron ba??! teka.... kasi ako ang crush nila e! hahaha! joke! si ano pala... si Jonjon
When/where did you meet: nung ako'y 6 yrs old ata! hahaha... syempre pa sa munting bayan ng Magdalena
Who was your first kiss: labopmaylayp ko
Who was your first bf: yung asawa ko ngayon
Describe your first bf: pareho ko... makulit, tawa ng tawa kahit walang nakakatawa, mahilig kumain, pakner in crime ko, pero nako... sobraaaaanngg mabait yan! biruin nyo from manila e araw-araw nasa UPLB... para lang sabay kaming mag-dinner!! how sweet it is... tra la la la la la!
When/where did you met: summer 20001 sa munting bayan pa rin ng Magdalena, Laguna
Are you still together: yesss... til forever na to!! kahit pa long distance ek ek ang drama naming dalawa
If not why: huh!? wala to... til eternity na kami!!
Do have any plans to get married: ako'y nasakal na
What makes you love/like him: ang pagtitiis sa ugali kong nakakainis
Do you plan to have kids: meron naman syempre
How many: wala pa ako bubwits sa ngayon! uhm.. tatlo lang ang gusto ko pero malay natin??! hahaha! plus pa natin kung ilan ang gusto ng mylabs ko!!
What have you learned from the circle of life: "There's always a reason for everything" yan na rin ang motivation ko to always look on the positive side, so walang dahilan para malungkot kasi ang maiisip mo lang lagi... "ay siguro ganon, ay siguro ganyan"! matututo kang maghintay... magkaron ng pag-asa para sa mga susunod pang araw!
---- oh te diosa, tapos na! hehehe... ang susunod ko namang bibigyan ng TAGay ay si wendell dahil sya ang una kong nakitang dumaan sa bahay ko pagkatapos nito! hehehe! bibigyan ko rin ng TAGay si misty! malashiinnng po sana kayo!
salamat sa lahat
ang swerte talaga namin ano??!! biruin nyo.. nagkaron kami ng instant mommy at take note... ang sarap magluto ha!! talaga naman... may sinigang, nilaga, pansit, tuyo, adobong pusit, kare-kare.... waaaaaaahhh!!! ang sarap!! sila ang tumulong sa amin para ma-feel pa rin namin ang ambiance ng pinas kahit nandito kami sa napakalayong lugar!! hehehehe....
bilang pasasalamat... nagbigay kami ng mga collage at nilagay namin sa frame! ito na nga ang resulta.... yiheeeee....

maraming maraming maraming salamat sa lahat ng memories ate lynn en kuya jeff! hindi namin kayo malilimutan!! hehehe... dalawin na lang namin kayo pag-uwi namin sa pilipinas!!! have fun.... buti pa si kuya retired na.... ako kaya kelan???!!! hmmmm....






