wataaa lunch!!!
ok... bago pa malayo ang sasabihin ko sa topic ngayon, i was so amazed!! baket kanyo??!! masyadong kakaiba ang lunch ko!! kakayanin nyo ba ito???!!! juiceeeee kowwww.... ganito na ba talaga ako kalakas kumain??! hindi nman ah... :(

e bakit naman nya ako binigyan ng ganito kadami??! ang inorder ko lang naman e salad tapos pagtingin ko sa bag.... e naku po.... pagkadami-daming laman!!! 2 french fries, 1 bbq sandwich (un ba un?! ewan ko kung anong klaseng tinapay un!), 2 container ng baked chicken (sa isang container ay may 2 pieces of chicken... so 4 pieces na agad un!! golly!!!), 1 salad en lotsssaaaaa condiments! nakakabigla... nakakagulat... nakakainsulto???!!! hahahaha!! ewan ko... hindi naman siguro! dati kasi pag ung lalakeng un ang naglalagay ng pagkain ko sa bag e dinadagdagan nya lang mga chocolate bars... barssssss... meaning maraming chocolate!!! lagi un... bsta sya yung naka-assign sa araw na yon! kanina sya na naman..... kaya pala ako kinabahan!! may pakindat-kindat pang nalalaman... sa isip-isip ko, mahipan sya ng hangin... tapos na! tsk...tsk...
hmmmm....ano bang akala nitong lalakeng to??!! matakaw ako!??!! kaazar! hahaha! susme!! hindi ah... kahit naman ganitong masarapin akong kumain e hindi naman ako lumalamon ng ganyan, takaw-tingin lang lagi. hehehe.... pero salamat na rin sa kanya dahil naging extraordinary ang lunch ko ngayon!! salad lang kasi ang binayaran ko.... ;) kasi yun lang nakalagay sa paper ko kaya yun lang na i-punch ni ms. cashier! hindi ko naman kasalanan db??
P.S.
hindi ko naubos lahat ha.... tinabi ko yung iba para pag nagutom ulit ako, meron makukutinting! hehehehe....
virginia escapades
friday pa lang e umalis na kami dito sa base... kasi mga 4 hours drive from here to virginia! so.. un... wala akong ginawa kundi ang matulog lang sa byahe... kasi nman syempre, pagod ka pa sa work mo db???! nagkakanda-wala-wala na kaming lahat at ang isa naming friend... nahuli pa ng pulis! tskk... tsk... i'm sorry chris! :P hindi ko alam kung matatawa ba ako or wat... but that's a good experience!! cheeerrrsss for that! hehehe....

kailangan ng matulog para ready na for the next day dahil Busch Garden naman... parang Enchanted Kingdom sa atin sa Pilipinas! excited na ako... but then we end up soaking wet da wet sa Water Balloon ek ek! hahaha... naalala ko pa tuloy nung bata pa ako! gustong-gusto kong maglaro ng ganon... at eto kami ngayon.... balik sa pagkabata!! hahaha...


sobrang enjoy kami lalo na nung nagpunta kami sa Japan Samurai! a Japanese restaurant na talaga namang mabubusog ka na sa tingin pa lang! biruin mo... sa harap mo niluluto ung kakainin mo... isn't it exciting??! wala lng... ang ganda kasi! feel na feel mo tlga.... gossssshhhh... hindi ko tlga makakalimutan ang araw na yun...
ang sarap naman tlga.... gusto kong bumalik! sama ka???!

people come into our life for a reason... season... or a lifetime

People come into your life for a reason, a season or a lifetime. When you know which one it is, you will know what to do for that person. When someone is in your life for a REASON, it is usually to meet a need you have expressed. They have come to assist you through a difficulty, to provide you with guidance and support, to aid you physically, emotionally or spiritually. They may seem like a godsend and they are. They are there for the reason you need them to be. Then, without any wrong doing on your part or at an inconvenient time, this person will say or do something to bring the relationship to an end. Sometimes they die. Sometimes they walk away. Sometimes they act up and force you to take a stand. What we must realize is that our need has been met, our desire fulfilled, their work is done. The prayer you sent up has been answered and now it is time to move on.
Some people come into your life for a SEASON, because your turn has come to share, grow or learn. They bring you an experience of peace or make you laugh. They may teach you something you have never done. They usually give you an unbelievable amount of joy. Believe it, it is real. But only for a season.!

LIFETIME relationships teach you lifetime lessons, things you must build upon in order to have a solid emotional foundation. Your job is to accept the lesson, love the person and put what you have learned to use in all other relationships and areas of your life. It is said that love is blind but friendship is clairvoyant.
---- My friend e-mail me this, I just want to share to yah'll!!! Nilagyan ko lang ng mga pictures... para wala lng!! Have a good day everyone....
"naglalaro sa hangin ang buhay ko....di malaman kung san ang tungo"

3 buwan na pala ako dito sa north carolina! naalala ko pa nung unang tuntong ko sa america! tuwang-tuwa ako dhil at last... ang pinapangarap namin non... eto na!!! nagsimula sa alaska... sa texas.. sa mississipi at ngayon eto nga sa north carolina! pero bakit ganon??? minsan naitatanong ko pa rin sa sarili ko...bakit nga ba?! ano ang dahilan kung bakit ako nandirito??..... BAKIT? BAKIT? BAKIT? bagay na syang nagsusumiksik sa aking isipan!
ang hirap sagutin db?! kahit anong hanap mo ng mga kasagutan sa tanong sa isip mo.... hindi mo pa rin alam kung ano nga ba ito....
marami na rin ang nangyari.... sa pamilya ko... sa kaibigan ko... sa mga taong minamahal ko.... at sa mismong sarili ko! sa isang banda... masasabi kong khit papano e nakasabay na rin ako sa takbo ng agos sa paligid ko! mahirap sa una, lalo na sa isang katulad ko..... sa isang tulad ko na takot lumabas at harapin ang hamon ng buhay! maraming pagkakataon na rin akong nadapa.... nalugmok.... at nag-aakalang hindi na makakabangong muli! ngunit... sadyang kay buti ng tadhana, sa bawat pagkakataon na ako'y nasasaktan at nahihirapan... eto pa rin ako at patuloy na lumalaban. pinilit kong bumangon sa kumunoy na pinagkakasadlakan ko at ipakita sa sarili ko na kaya ko ito!! KAYA KO ITO.....
ayokong tingnan ang mga bagay na yon sa negatibong paraan dhil alam ko... iyan ang nagpatatag sa akin... ang mga bagay na nag-iwan sa akin ng leksyon....ang nagbigay daan upang ako'y humabi ng pangarap!!!
ngayon... panibagong pakikipagsapalaran na naman ang haharapin ko! araw-araw ay panibagong buhay.... PANIBAGONG PAGLALAKBAY!! alam ko.... sa bawat bagay na nangyayari sa ating buhay ay mayroong kani-kaniyang dahilan... kani-kaniyang layunin... mabuti man o hindi, may dahilan kung bakit sila nandyan. hindi ko man masabi sa ngayon yan.... sana.... balang-araw! bsta ang alam ko narito ako para matuto... makisalamuha sa iba't-ibang mukha ng mga taong makakaharap ko.... at higit sa lahat, para lumago ang PAGIGING AKO!!!
araw ni tatay...
pareho silang malayo sa akin kaya wala akong magawa kundi ang kausapin na lang sila sa telepono... at least kahit man lang dun maipadama ko ang pagpapahalaga ko sa araw na yon! (wel... araw-araw nman dapat db?!)
natawa ako kahapon ng tawagan ko ang tatay ko... dahil wala pa sila sa bahay kaya si daddy ko n lang ang nakasagot (tito ko.. panganay kasi kya lahat kami daddy ang tawag!) syempre pa binati ko din ng "happy father's day noh"! nagkwentuhan kami... kamustahan... pero maya-maya pa, dumating na sila! hmmmm.... excited ako... hahaha... kasi wala lang, kahit araw-araw kaming nagkakausap, espesyal ang araw na 'to para sa akin! tsk... bigla naman si nanay ang kumuha ng fon.... hmmmm... nu ba yan??! ganun ba talaga ako na-miz ng mga tao sa bahay namin??! hmmmm..... touched ako! hehehe... tapos sabi ko na lang, "o mader.... nasan si tatay, babatiin ko kasi"! "o ayan.... babatiin ka daw!" pagbibirong sabi ni nanay habang inaabot ang telepono kay tatay! ayun.... nasabi ko na rin "happy father's day" na kanina ko pa gigil na gigil sabihin!! lumambot ang puso ko khit ngiti lang ang isinagot ng tatay ko! hindi kasi sya showy... mahiyain! hehehe... masaya na ako dhil kahit maraming mga faults... buo pa rin kami at syempre may nadagdag pa sa pamilya nmin.... ang asawa ko!!
bagong kasal pa lang kami.... pero kahit ganon, parang ang tagal na ng pagsasama nmin! long distance relationship ang drama namin... dhil simula ng maging kami... always na lang magkalayo!! haaay nako.. mahirap... mahirap... sobrang hirap!! pero ano pa nga ba db??! kami pa rin til now at habang tumatagal lalo pang lumalalim ang pagmamahalan namin sa isa't-isa! ang motto naming mag-asawa... "there's always a reason for everything" tama nga nman! yan ang nagpapatatag sa aming dalawa...
sooo.... 17 pa lang dito binati ko na sya kasi 18 na sa pinas! pabiro nya akong sinagot ng ganito... "wala naman tayong anak...." pero sa loob-loob ko, natigilan ako! alam ko kung ano ang nararamdaman nya! kasi nga magkalayo kami... alam ko ang pagnanasa nyang magkaroon ng anak! kahit ako rin naman gusto ko na.... pero... pagdating siguro ng panahon! sana lng magkasama na kami.... sana sooonnn.... ber beri soon!! darating din ang araw mahal na bubuo tayo ng pamilya... malapit na!! konting tiis pa....
mall of asia

ching!!! inggitz ako... si love of my life ko namamasyal sa mall of asia with bespren boyet nya!! ay nako... nako.. nako... unfair ito!!!!! grrrrrrrrrrrrrggggggrrrr....
wel... sana mag-enjoy silang dalawa!! madaya! hmmm... pero ano nga ba ang mall of asia??! ewan ko... pero sa mga nakita ko sa pix, maganda sya! pra kang nasa isteyt! o d vah??! e-mail skin ung tita ko... gusto ko sana i-post dito pero bakit ganun??! ayaw mag-work!!
oh wel... taraletzzz!! matutulog n aketch!! ingatz mga kafatid!



