Kasinungalingan sa Kabila ng Katotohanan

November 06, 2006
Bwahahahaha! *evil laughs* Ang saya-saya ko! Ang babaw noh?! Hahahaha! Nag-enjoy talaga ako dito sa mga truth and lies na to. Salamat ulit TiKeY sa pagbibigay nito sa akin, kahit dinugo ako... at least ako yung duguang tawa nang tawa! Hahahaha! Ay nabaliw na...

LIES... LIES... at isa pang LIES...


2. Mabilis kong matandaan ang mga daan sa lugar na pinupuntahan ko. Pagdating sa ganyan ako na yata ang pinaka-boba! Kelangan may kasama ako lagi para hindi magkanda ligaw-ligaw. Malimit kasi tulog lang ako sa byahe, gigising lang pag nasa destinasyon na. Hahaha!

4. Maaga ako lagi gumigising. Magpapa-misa ang nanay ko pag nagkatotoo 'to! Ang celfon ko naka-ilang snooze na di pa rin ako bumabangon hanggang sa mapagod na sya kaka-alarm. Saka pag weekends... asahan mo, gumigising ako hapon na! Buti nga nagigising pa ako kasi higit pa sa 10 oras ang tinutulog ko! Lufeeetttt!!

5. Mahiyain ako masyado. 'Di naman obvious 'to noh?! E sobrang kapal ng mukha ko eh...

7. Lassengga ako kaya galit na galit ang nanay ko sa akin. Hindi noh! Sorry Mama Carlotz, di yata kita masasabayan sa inuman pero sagot ko na lang kwento! Hahaha! Gud girl pati ako... sabi nga ni Ate Melai e wala daw sa hitsura ko ang pagiging lassengga! Naks...

8. Kamag-anak namin sina Lani Mercado dahil sa Cavite galing ang lahi ng tatay ko. Nakowsss... ang daming nagtatanong sa akin nuon kung totoo 'to! Susme! Walang katotohanan yan, although sa Cavite galing ang lahi namin... malay ko ba kung dun din galing si Lani Mercado db?! Sabi nga ni fafah KD e si Bong Revilla ang taga-Cavite. at saka meron pa... tinatanong din nila kung pinsan ko si Rizal kasi db Mercado din yun?! Hahahaha! Naku naman talaga! at meron pa ulit, last na lang talaga to... kung tatay ko raw ba si Sen. Orlando Mercado!! Isa pang malakas na "hahahahahaha" para dito... kapangalan lang sya ng tatay ko noh! O baka naman may magtanong dyan kung kaano-ano ko si Jennylyn Mercado??! Juiceee koww... ka-apelyido lang! Hahaha!

12. Lagi akong sumasama sa mga pinsan ko sa bukid para manguha ng bayabas, usisa at santol. Nalulungkot ako kasi isa yan sa mga na-miz ko! Nakakasama ako sa kanila minsan pero pag-uwi ko pinapagalitan ako... kaya yun! Inggit na inggit ako sa kanila pag pumupunta sila ng bukid kasi naman tatawid ka pa ng ilog para makapunta sa kabukiran ni lolo. Sayang! Taga-kain na lang ako lagi sa mga dala nila... hehe!

14. Tayp na tayp ko ang okra. Ayoko kumain nito dahil hindi ko malunok. Naiinis lang ako sa mga kaharap kong kumain dahil lagi nila akong inaasar. Anong magagawa ko??! Tingin ko pati sa okra e parang isang katerbang laway! Yay...

17. Ayoko sa mga bata dahil maingay sila. Gustong-gusto ko ang mga bata kasi gusto din nila ako. Hehehe! Seriously, masarap kasama ang mga bata... sa takbuhan, sa tanungan, sa paglalaro at kung ano-ano pa. Buti na lang at na-spotan mo yung mga pix na yon kat, tumama ka tuloy sa sagot mo don! Hehehe! Napatunayan ko pati 'to nung minsan naging teacher ako sa Sunday School, ang sarap ng pakiramdam kahit minsan e ang kukulit nila. Lalambingin mo lang... susunod na agad! Ayyyy.... na-miz ko ang mga pamangkin ko!

18. Gustong-gusto ko ang tambalang Brad Pitt at Angelina Jolie. Ayoko sa kanila!! Dahil panget sila... hmpf!

20. Magaling akong magsinungaling. (bonus na 'to! haha! hindi ba halatang dinugo ako!? )


the TRUTH will set you free....

1. Marunong akong tumugtog ng piano. Yes... gulat kayo noh?! Nag-piano lesson ako non at may ilan pang sariling kapa sa tulong ng pinsan ko. Ngayon nga, hinahanap ko yung music sheet ng "Bo Go Ship Da" ni Kim Bo Soo sumthing ng Korea galing dun sa teleseryeng "Stairway to Heaven". Nagpunta ako sa site nila... kaya lang di ko ma-gets ang mga letra, nawiwindang ako sa pag-intindi ng sulat Korea. Hahahaha! Help me naman oh... plssss! Tinatawagan ko po si te idealpinkrose! Hihihihi! Tenchu!

3. Nagda-drive ako kung saan-saan pag bad trip ako. Nung nasa Alaska ako, yan ang gawain ko! Hindi ko nga alam ang layo na pala ng nararating ko with matching iyak-iyak pa yan habang nagmamaneho. Hindi ko na magawa yan ngayon kasi ang mahal na ng gas! Hahahaha!

6. Hindi ako kumakain ng kahit anong luto sa baboy. Hate na hate ko talaga yan, as in! Natatakot kasi ako na baka magkasakit ako sa puso. Bihira magluto nanay ko ng baboy menu dahil ang kapatid ko e sumasakit ang likod pag kumakain nyan at si hubby e may problem din sa heart. Kaya yun..

9. Lagi akong kinukuhang judge sa mga singing contest. O gulat na naman kayo noh?! Hehehe... totoo yan! Bata pa lang ako e talagang kumakanta na ako... madalas sa simbahan kasi elementary pa lang ako e kasali na ako sa choir. Pero nung nagdalaga na ako, kinukuha nila akong guest ek ek na yan pag darating si Gobernadora at minsan pang naging representative ng bayan namin sa mga ilang pagdiriwang. Nang nagtagal, judge na ang titulo ko pag may mga singing event na yan.

10. Gustong-gusto ko ang basketball. Sobra to the max!! Hindi lang dahil naglalaro rin ng basketball ang asawa ko kundi gusto ko talaga sya. Napapagkamalan nga akong tomboy kasi ang dami kong NBA cards at mga dvd ng NBA. Mahilig rin akong manood ng PBA.. gustong-gusto ko pa nun yung Ginebra team nina Bal David, Marlou Aquino at mga ka-chuvanez nya! Hahaha!

11. Favorite ko ang spaghetti na may itlog. Masarap 'to. Pag nakahain yan, dapat may itlog sa taas... pero nako... may itlog o wala kakainin ko pa rin yan.

13. Pinalabas ako sa classroom ng Values Teacher namin nung hayskul. Totoo 'to! Yung Values teacher pa namin e pari at sya ang principal. Susme! Ang laki kasi ng toyo nun sa ulo.. pinag-initan ba naman ako e hindi ko naman siya ina-ano. 'Di lang ako naka-ayos ng upo e pinalabas na agad ako!! Hmpf! Kainis yung tym na yun... kala ko nga bababa ang conduct ko at pag nagkataon, tsugi na ako sa listahan ng mga promil kid sa klase namin! Pasaway! Muntik pa akong ipahamak...

15. Perfect lagi ang sinaing ko. Trulili yan. Gusto nga ni hubby lagi ako taga-saing dahil kahit hindi ko na sukatin ang tubig ng kamay ko o ng kung anong takalan... maganda pa rin ang kinakalabasan ng sinaing ko. Hehe! Kahit dito, gusto ng mga tropa ko e ako lagi magsasaing dahil walang palya yan! Bwahahaha! Hindi kasi ako masyadong marunong magluto kaya kahit man lang pagsasaing e maipagmalaki ko. Hehehe!

16. Crush na crush ako ng engkanto sa bakanteng lote dun sa may tapat ng bahay namin. Takot na takot ako sa tuwing maalala ko 'to. Ayoko mang maniwala pero naranasan ko talaga at yun din ang sabi ng albularyo sa amin... may gusto nga sa akin yung engkantong yun! Minsan nagpapakita sya sa panaginip ko, minsan sa dorm ko nung college! Pero nung nagtagal mukhang nawala na dahil nagsawa na siguro sya! Hahaha! Pero alam nyo, ang gwapo nya... kasi puting-puti yung suot nya tapos ang kinis ng balat. Hehehe...

19. Minsan lang ako magalit pero kapag nainis ay kahit ilang taon tayong hindi mag-usap... okay lang! May nakagalit ako nuon, hanggang ngayon e hindi kami nag-uusap. Dumating na siguro yung sukdulan ng galit ko. Napatawad ko na sya, pero di na gaya nung dati ang turingan namin. Ewan ko ba... pero ayoko naman ng may kaaway. Hindi ako mapakali! Yay! Nakowsss... wag kang matakot fafah KD! Hahahaha! Bihira lang naman mangyari yan noh, kaya nga pag nagalit ako meaning e sobra na un! Kasi hangga't maaari e yoko ng nagagalit... kelangan, laging project at smile! Bwahahaha!


O ayan na ang mga kasinungalin sa kabila ng katotohan! Haneeff! Maraming, maraming salamat sa mga nanghula. Sana nag-enjoy kayo gaya ng pag-eenjoy ko sa paggawa nito. Ang top 8 winners ay sina... opppsss... saglit lang, kaya walo dahil apat silang may 7 pts at apat din silang may 6 pts.... kaya un! Okay eto na sila, te ghee (7 pts), te yorokobee (7 pts), mommy ann (7 pts), ikay (7 pts), TiKey (6 pts), te nona (6 pts), sasha (6 pts) at si pareng kneeko (6 pts). Ang gagaling nyo namang manghula!! Hehehe... eto ang hugsss en kisses ko para sa inyo... mwuaaaaaaaaahuggzzz!!!
posted by rHo at 8:34 AM | Permalink |

[ back home ]

Comments for Kasinungalingan sa Kabila ng Katotohanan
"Magpapa-misa ang nanay ko pag nagkatotoo 'to! Ang celfon ko naka-ilang snooze na di pa rin ako bumabangon hanggang sa mapagod na sya kaka-alarm. Saka pag weekends... asahan mo, gumigising ako hapon na! Buti nga nagigising pa ako kasi higit pa sa 10 oras ang tinutulog ko! Lufeeetttt!!"

apir n lang tayo mare kasi kng contest lang ng tulog for sure panalo ako jan.. pwde tyo maglaban kng gs2 mo hahaha.. kc minsa gumigising ako gabi na uli hahaha...

Yeheyy! Kasama pala ako sa mga winners dito.

Grabe ka namang matulog, pareho tayo..hahaha!

Can't resist talaga charm mo ha, pati engkanto na engkanto syo.

15. Perfect lagi ang sinaing ko. Trulili yan. Gusto nga ni hubby lagi ako taga-saing dahil kahit hindi ko na sukatin ang tubig ng kamay ko o ng kung anong takalan... maganda pa rin ang kinakalabasan ng sinaing ko. Hehe! Kahit dito, gusto ng mga tropa ko e ako lagi magsasaing dahil walang palya yan! Bwahahaha! Hindi kasi ako masyadong marunong magluto kaya kahit man lang pagsasaing e maipagmalaki ko. Hehehe!

hahaha.. naku kelangan mo talga ako turuan. haha para may maidagdag na ako sa maipagmamalaki ko bukod sa deep fried egg na niluto ko para sa boyfriend ko. hahaha

u mean ... bading iyong engkanto??? hahahah!

yay!! ang galing ko talagang manghula!its a celebration!! haha!

masaya nga tong tag na to,sana di ko tinanggihan,hehe..

sana marinig namin ang piano mo next time,nag request pa noh? wink*

hahah congrtas sa mga sumali: ako kahit isa alang point hahahha :)
kakatuwa nga ang tagay na 'to nadiskubre ka tuloy :)
Honga pala tinanggal ko na yong song dun para di bumagal site ko hehhe sa friday uli mag post ako ala lang hahha pasaway!

sensya na sis, di ako nakasali sa hulaan session nyo.. hehehe.. kahit sa bahay nina ate melai at papa KD di ako nakahula..

galing na mga manghuhula ang mga bloggers.. :)

hahahaha!!! apir te yen!! matakaw talaga akong matulog, minsan kakagising ko lng... inaantok na naman ako! hahahaha!

contest ba kamo??! naku pow, kakatakot... baka pareho tayong hindi na magising te! hehe..

ang galing-galing mo talagang manghula mommy ann! huwaw naman talaga...

e te, db kasi umaga na kayo natutulog pag weekends?? malamang gising nyo na nun e gabi na nga! hehehehe!

ganun?! wala lang siguro mapaglaruan ang engkanto! yay.. nakakatakot un!

aba at least nakakapag-deep fried egg ka ikay! oo tuturuan kita, pag nagkita tayo! hehehe... thank you sis! isa ka sa mga nanalo ha..

hahahaha! 'to talaga si te neng, pasaway! bwahahaha... joke! nagkamali lang ako ng sabi. yun palang hindi talo e pang-bakla noh?! inedit ko na para wala ng malito! hehehe... may jetlag ka pa noh?!

ang galing mo nga talaga te ghee! dun sa palaro ni TiKey ikaw din ang panalo! hehehe! iba ang radar mo te... it's a celebration nga talaga! yahoooo...

d bale te kung hindi mo nagawa to... may pa-contest ka naman ngaun e! i'm sure madami ang mag-eenjoy dun! hehehe...

nye!! kelan kaya un?! hehehe... ingatz te!

nag-enjoy nga talaga ako te ethel kaya mejo na-hyper ako! pagpasensyahan nyo na.. ang haba ng post ko noh?! yay...

ay sayang! di ko narinig yung kanta nyo ni hubby! sa ssunod na lang ulit.. sabihin mo skin ha te! mwuaahugggz!

o sige karmi, dahil hindi ka sumagot... ikaw ang susunod na gagawa ng mga truth en lies ha!!! intayin ko yan! bwahahahaha!!

ayyyy..sayang di ako nanalo..pero okei lang kc may mas nalaman pa ako sa kaing "one and only ate rho"..hahaha...

bakit yung points ko hindi ko nakita waaaaaaaaaaaa!!!!! naku yang apelyido na yan ..lagi rin ako tanong kung kaanu-ano ko si Freddie Aguilar lagi ko sagot ampon ng lolo ko lol!!! huwaw galeng sikat ka pala e lagi ka judge sa singing contest ibig sabihin hindi ka lang basta marunong magpiano .... mahusay ka diba?

hahahah, pasaway talaga ako kaya sa mga posts na binabasa ko, mga kalokohan ang hinahanap ko kaya minsan kung mahina ang pick-up ng ginu-goodtime eh nakuh, nagugulo ang mundo ;)
lalo nga yatang lumala ngayon dahil dami ko na namang napulot sa Pinas, kapag nalaglag na ang jet na yan ... umpisahan ko ng mag-post :D

sakeeet pa rin ng tyan ko oy, makaalis na nga at baka may lumabas na di-kanais-nais na amoy dito heheh!

wooowww sarap ng premyo hmmmmm (nakapikit pa ako)... pede bang para sa loob ng isang taon ung premyo na hugs en kisses nyahahha...

baka naman may lahi kang engkantada (tada ka) hehehhe

ginebra girl ka pala... never say inday... este die pala hehehe nanonood ako ng pba pag nasa pinas ako lalo na pag ginebra.

ahhhh, absent ako, di ako nakahula, anyways...

may solusyon na ngayon sa pagtatanda sa mga lugar, yung mga navigational aids like gps sa sasakyan, nauuso na...di na kailangan mag memorize masyado...

Nakakatuwa ka naman Rho at maraming salamat...lalo tuloy akong nagkaroon ng interest to get to know you a bit more...Wow, so pagdating sa singing very talented ka pala???Malaki ang paghanga ko sa mga tulad mo at simple lang naman kung bakit...wala akong ganda ng boses ng tulad mo-LOL! It's really great knowing you RHO and I hope na we will continue to be in touch...taas kilay ko sa ibang secret mo ha!

Ingat ka dyan...

whats an usisa?

:-)

bryan here by the way
woof!

ay sayang hindi mo pala kami masabayan ni ghee...hehehe...napaka good girl mo talaga.

great to know you Rho...ang sweet mo talaga.

Thanks nga pala sa bday greetings ha really appreciate it. ingatz ,muuauhhh

Nyaikkkkkssss... 4 lang ang tama sa akin... 'yan tuloy! Take two... take two... babawi ako... Hahaha

Hindi rin ako maagang nagigising.. nocturnal kase ako e.. sa umaga ang tulog.. :)

aba, kumakanta ka rin pala... sali ka sa choir namin.. hehehehehehe..

lupet ng kagandahan mo lola, pati mga engkanto, type ka.. wohou.. :)

one of them chain posts slash i-got-tagged-entries. hehe. 'really not a fan of these kinds of things... hehe.. but then, this is your blog. so hindi ko pinapakielaman kung ano man ang ilagay mo dito! hahahahaha ;)

ispageting pababa na may itlowg? seryoso ba ito sis??? ayus ka rin sa tripping a. :)

thanks ng marami kipay!! hehehe... ingatz ka lagi! mwuahugggz! aymisshuu pa rin!

hehehe te melai... natatawa na nga lang ako pag paulit-ulit silang nagtatanong! ngekz... pag yung mga singing event na yan kinukuha ako... pero yung piano, marunong pero hindi mahusay! laking kaibahan yun ha! ngak! thanks ng marami te!

pahabol te melai, i-scroll mo sa taas... makikita mo yung score mo! 5 points ka ate! hehehehe...

ikaw talaga ate neng! hahaha! lalo bang lumala??!! hehehe!

nako ate, sige na nga at baka mangamoy nga dito! hahaha! ingatz po!

lande mo prengkneeko ko!! may pikit-pikit ka pang nalalaman dyan... sori hindi pang isang taon yon noh! hahahaha!

naku, baka nga meron ano??! taran-tada!! hahaha!

oo noh, ginebra fans ako! yahoooooo......

oo nga iskoo, san ka ba kasi nagsusuot ha??! yan tuloy! hehehe!

uso na nga ngayon yan at maganda pag meron sa saksakyan... di ko nga lang afford! hehehe...

thank you po te tin... it feels good na minsan e maging open kahit papano! thanks po for accepting ng ibang side ni rHo. i'm not perfect though...

teka... e balita ko galing mo rin kumanta ah!! kaw talaga... hehe! duet na lang tayo... yahoo!!! i will sure keep in touch with you ate! thanks ulit ng marami...

thanks for the visit bryan. usisa is parang ubas medyo malaki nga lang ng konte dun! masarap yun... usisa ang tawag namin sa laguna ewan ko lang sa ibang lugar!

thank you po mama carlotz sa pag-accept! sayang nga at di makakapagsabayan sa inyo ni te ghee, sabi ko naman e... sagot ko kwento! yahooo.... haha!

happy bertday ulit!! may tira pa pong handa?! yay!

hahahaha wendy!! yoko na ng take two... ang hirap gumawa nito, nakaka-hyper! thanks na rin at nagparticipate ka sis! mwuahuggggzzz!

pareho nga talaga tayo razzy! hehehe! oo ba, sali ako sa inyo... masaya yun! hehehe!

baliw... nakakatakot yung ganon na nagugustuhan from other worlds! mamaya mo e kunin ako nun, kasi madalas sa panaginip sya nagpapakita tapos hindi ako makagalaw! e pano kung hindi na pala ako magising?! db? o e d tepok na ako nun...

it's ok rin ralphT kung ayaw mo sa mga tag-tag na 'to, that's your opinion! hehehe.... thanks for dropping by again!

rainnnnnn!! eto ka na ulit?! kaw ha... lagi kang nagpapa-miz... mwuahuggggggzzz!! si, i-try mo yung may itlog.. masarap!

wow! nakachamba ng pito si bee! heheh

nice to know more about you sweet Rhoanne*hugs*

saya nga netong tag nato,sana ako nlng tinag mo! hahaha

super imbento ang Lies ko! hahaha
lahat siguro perfect score sa panghuhula!

ang galing-galing mo ngang manghula te yorokobee! mwuahuggggzzz!! ikaw na ang susunod nga na gagawa ng mga truth and lies na to! hintayin ko ha... hehehe! thanks po ng marami...

uy rho, sori ngayon lang naka visit ang ate, hayaan mo ibibigay ko sayo ang song na yon...gusto mo pala yon...kaka-touch ngang pakinggan...pati pala ang drama...hehehe...

meron po ako nung song te idealpinkrose! hanap ko po yung music sheet sa piano. tiningan ko po sa isang site kaya lang in korean sya... di ko po maintindihan! :( thank you po ng marami... mwuahugggz!

nag-enjoy ako. very amusing and entertaining. lalo na yung tungkol sa engkanto.

naku po ka uro baka kaya ako nagugustuhan ng engkanto e dahil gusto akong gawing alipin sa kanilang kaharian!! juicceee ko pow!!

Who is Who?

My Photo
Name: rHo
Location: Goldsboro, North Carolina, United States


smile lang





Credits

 
Distributed by:
Template copyright :
V4NY ONLY TEMPLATES


Powered by Blogger