Happy Thanksgiving

November 21, 2006
Oha, hindi naman halatang excited ako sa Thanksgiving Day na 'to noh! Hehehe! Wala lang.. araw-araw naman nagpapasalamat ako sa dinami-dami ng blessing na natatanggap ko, good man or bad na nangyari sa buhay ko... alam ko they are there for a reason at tatanggapin ko yon ng buong-buo kahit pa minsan e nagda-dramahan ako! Nakowwwssss.... mahaba 'to, sana pagtyagaan nyong basahin dahil kahit man lang dito, maiparating ko ang taos pusong pasasalamat ko!

Una sa lahat, maraming... maraming salamat kay Lord sa patuloy na pagbibigay buhay. Ang araw-araw na paggising Nya sa akin, it implies na He's giving me another chance to change and make things better! Thank you po talaga ng marami. Marami pang void sa buhay ko lalo na ang makasama ang asawa ko, pero gaya ng lagi kong dasal... give me enough strength pa para sa paghihintay at labanan pa ang self-destruction na mismo! Alam ko hindi pa ngayon... but in your own perfect time, I know magiging masaya ako... kami ng mylab ko!


Pangalawa sa asawa ko na walang sawang sumusuporta sa akin. Sa mga bangayan, kalandian and kadramahan... alam ko, dyan tayo naging matibay. We've been through everything, hindi biro ang halos 5 taon na magkalayo tayo noh. Magkikita lang pag uuwi ng Pilipinas for what?! uhm... 3 weeks lang yata ang pinakamatagal db?! Ay meron pala... 2 months akong nag-stay dyan bago ikasal kaya lang nag-quit ako nun sa trabaho ko sa Alaska! Hahahaha! Hindi ko pa nga alam kung paano babalik ulit don!! Mabait pa rin si God, tinawagan ako ng Air Force at pinababalik na ni Uncle Sam. Another phase na naman yon ng relationship natin! Biruin mo, 2 weeks after ng kasal kelangan ko ng bumalik sa US! Lichugas talaga, di ko man lang na-enjoy ang honeymoon! Nyahahahaha! Haaaayy... ang dami-dami talaga pero hindi ka bumitiw! Hanggang ngayon lubos-lubos pa rin ang pasasalamat ko dahil IKAW ang binigay Nya.

Sa pamilya ko na laging nakaantabay sa akin. I can say, pinanday na ng panahon ang pagsasama natin pero eto pa rin tayo... magkakahawak-kamay at buong tapang na sinusuong ang dagok ng buhay! A lot of people want to break us, distract us... lahat na yata para mabuwag ang pagmamahalan na mayroon tayo pero 'di sila nagwagi. Ang hindi nila alam mas lalong lumalim ang pagmamahalan natin sa isa't-isa. I'm so proud and will always be proud dahil kayo ang naging pamilya ko!! Nak ng tokwa... naiiyak ako! Haaay... pagbigyan nyo na ako, thanksgiving naman e! Nyahahaha! Basta, mahal ko kayo kahit may mga gustong makisawsaw! Bwahahaha!


E sino ba naman ang makakalimot sa mga pinsan, mga tito't tita kong mga lukaretz! Nyahahaha! Miz ko na kayo... lam ko nababasa nyo 'to, kaya umamin na kayo! Mwuaaaahuggggzzz! Mahal na mahal ko kayo... sobra! Isa kayo sa mga taong humulma kung ano man ako ngayon, ang isa sa mga sumuporta bukod sa mga magulang ko! Maraming salamat sa lahat!! Lagi ko tong sinasabi at hindi ako magsasawang sabihin sa inyo... labs ko kayo... sobra-sobra! Pramis! Walang bawian.... hehehe! Mwuaaahugggzz!


At higit sa lahat, sa mga kaibigan simula ng umusbong ako sa mundong ito!! Maraming, maraming salamat! Hmmm... may totoo... may hindi.. may umalis... mayroon din namang nag-stay at mayroong mga bagong dumating. Malaki ang naitulong nyo sa pagsagot sa tanong ng buhay ko. Sa mga blog friends, di ko na kayo iisa-isahin... alam nyo na kung sino kayo. Maraming salamat sa pagpaparamdam na hindi ako nag-iisa dito sa mundong ginagalawan ko ngayon. Sa pag-intindi, sa pakikisama, sa pakikitawa, sa pakiki-drama, sa pagsama sa kabaliwan ko at higit sa lahat sa pagbibigay daan upang buksan ang isa pang pinto ng aking pagkatao! Salamat sa pagtanggap sa kung anumang isulat ko dito... sa pagtanggap ng pagiging "AKO" kahit dito lang sa takatak ng keyboard ko! Sana mga friends, sa pagtanda natin... tayo-tayo pa rin ang magkakasama... nagtatawanan, nagkakantyawan, nagdadramahan at nagba-blog! Nyahahahaha!



Walang perfect sa relationship... pero we are all capable of doing it perfectly! Magpasalamat tayo lagi-lagi dahil araw-araw e thanksgiving!!Happy Thanksgiving sa lahat!!! Mwuahuuuugzzz!

P.S.
Ninenok ko ang mga pictures nyo!!! Yaaayyyy.... patawad po!!! Mwuahuggzzzzzzzz!!!
posted by rHo at 10:12 AM | Permalink |

[ back home ]

Comments for Happy Thanksgiving
Happy thanksgiving din sa iyo RHo kahit na di kami nagce-celebrate ng thanksgiving dito (;).

Have fun..

Hugs from London

Yehey!!! ako ang unang nag-commenti!!! :)

Sana lahat tayo kung gaano tayo kadalas humingi at lumapit kay Lord kapag may kailangan tayo, ganun din kadalas yung mga pasasalamat natin sa mga bagay na ibinibigay nya. Everyday is a thanksgiving day.

Happy Thanksgiving Rho!

Gagawa kaba ng libro? o di kaya e nObela? hehe! join ako jan!!! nyahahah!!!

Onga pala bago magka limutan Happy THanksgiving! Alam ko meaning ng thanksgiving, kasama yan dun sa reviewer na ibibigay sayo sa iyong pag interview sa iyong pag change ng citizenship! gudluck pala sayo ha! kaya moyan!

At khit na medyo dinramahan mo kami dito, it really makes me feel special kc i knw deep in my deepest bilbil, ksama ako sa mga blog frens mo na handang umantabay khit gaano pa katinding hirap ang ibigay ng panahon! ang drama Te!!!

O sya!!! Muahhhh! din sayo! heheh!

happy thanksgiving. wishing you more blessings in the coming year. thanks for the friendship!

talaga maan???! ah basta, di lang naman sa araw ng thanksgiving dapat magpsalamat db?! i'm glad dahil nakilala kita! thanks ng marami... ingatz lagi!

yahhhhhhooo..... perst honor ka nga maan! hugs en kisses na lang para sa'yo! mwuahugggz!

oo nga po mommy ann, sa sobrang dami ng hiling.. pag yung part ng pasasalamat na, nakooo.. tulog na! yaaaay!

thank you po sa lahat! sobraaa!

hindi naman TiKeY! di ko pinangarap yan... mailabas ko lang tong utot ko, ayos na! nyahahaha!

o sige nga, ano ngang meaning ng thanksgiving??! nyahaha! meron akong reviewer pero di ko man lang nabubuksan! hahaha! e di ko pa kasi alam yung date ko! ay naku...

syempre naman noh, kasama ka dyan!! kaya nga sobra-sobra pasasalamat ko eh, nagkaroon ako ng tutubi na lilipad-lipad sa tabi ko! waaahhh... ang drama ba?! nyahaha! labyu analee!! mwuahugggzzz!

kayo rin po ka uro pati na rin ang family mo! maraming, maraming salamat po sa lahat! pa-hug nga.... mwuaaahugggz! labsshhoo kuya!

awww,,, happy thanksgiving!!! masaya talaga pag nagpapasalamat ka sa blessings! =)

salamat sa Lord sa pagbe-bless sayo! you deserve even more sis =)

wow!pinaghandaan mo pala talaga ng post mo :)

Happy thanxgiving Rho!God bless you and your family :)

5 yrs na kayong di magksama?wow,wishing you all the best na lalo kayong maging mas matibay habang tumatagal ang panahon :)

happy wed.,Rho!Luv yah!! huggssssss!

wow.. i love the spirit..! Happy Thanksgiving ate. :)

God Bless.. and tc..!

Life is good... life is great!
Maraming dapat ipagpasalamat... tama si ate ann, everyday is a thanksgiving day!

God speed rho!

happy thanksgiving day rHo ... hehehe feeling ko nasa US din ako at nakikiparty lol!! I'm glad I met you online :) ingat ka lagi

Naku buti nlang ung cute kong picture ang nilagay mo! heheh! very gud gerl!

now this post was sweet. :)

yea, dont forget to thank God for all of His blessings! you are indeed, really blessed! :)

ang sweet ng post mo...sing sweet mo sis...*muah* para sa iyo, happy thanksgiving na rin...kahit wala naman dito sa pinas ng celebration na iyan, padalhan mo naman ako roast turkey..meron ba?..naglalambing ang ate...nyehehee...

sayang walang thanksgiving d2 :) anyway we can always "thank" Him everyday :)

nice pictures po..parang excited na din ako tuloy magpakasal para may ganung pics din kami..hehe

Lot of things to thank HIM for.. happy thanksgiving iha!

wow! i'm sure sobrang appreciated ng mga pinasalamatan mg ginawa mo.

thank you din sayo. coz lagi kang du blog ko. khet na di ako nakakadaan dito, ikaw sobrang patuloy pa rin. salamat ha :)

teehihih... sobrang sarap magthank you kay Lord sa mga blessings diba ate?? hehehe.. ang saya nga siguro ng thanksgiving mo jan.. hehehe.. :) tagal kita namiss!

potpot

teehihih... sobrang sarap magthank you kay Lord sa mga blessings diba ate?? hehehe.. ang saya nga siguro ng thanksgiving mo jan.. hehehe.. :) tagal kita namiss!

potpot

haha...rho, ngayon ko lang napansin kasama pala ako diyan sa mga ninenok mo?...ok lang gurl,...my pleasure...*mwah*!

HAPPY THANKS GIVING !

naku super ganda naman ng mga pictures at nag enjoy ako sa pagbasa:)

GOOD LUCK IN ALL YOUR UNDERTAKINGS!
sa blogkadahan - mabuhay!

huy pano pala "magnenok" ng pictures ? turuan mo naman ako heheheh!

wow- very touching naman ang pasalamat mo. Ang sarap mo magpasalamat from your heart talaga ma feel ko naman.

Great job sa mga pics mo sulit talaga.

Happy Thanksgiving dyan sa'yo have a great one and enjoy!

Hug & kisses to you my dear.

WAW!!! Kakatuwa naman ng post na ito!!! Ang sweet!!! Talagang dapat ng lahat ng bagay ay ipagpasalamat!!! Apir!!! Alam mo ba na marami ang post ngayon ay tungkol sa mga ka-blog-an na ito!!! Hahahaha!!! Isa ka rin sa mga iyon!!! Asteg!!! At ang mga pictures ng mga blog friends!!! SWEET talaga!!! It's full of appreciation & friendly love!!! Talagang pinaghirapan at efforts, matindi!!! Galing!!! I commneded you for that Rho!!! Apir!!! Nandyan din pala ako!!! Tnx!!! Pero... pero... matutuwa na sana ako dahil nandyan ako pero... pero... Bakit yung pic na yun pa!!! Pic ko un na pinakita ko yung tahi ko ah!!!! KAMOTE ka RHO!!! WWWAAAHHH!!! Andami ko pics pero ung boy tahi pa pinili mo!!! Buti na lang maliit ung pic!!! Hahahahaha!!! Tnx RHO for havin' u a blog friend!!! Apir!!! ;')

HI rho! grabeh ka ang ganda ng scraappin mo at isa pa nabagay sa post mo hehhehe galing naman may ka dramahan tas at the end nag sori pala, kaya pala nawala yong pic ko dun hahahhaha..susme na touch din ang lola anjan kase mokhe ko hehhehe... Thank you! sana nga friends forever noh?!
Happy thanksgiving jan, asan na ang turkey ilagay mo na dito :)

sis!!! happy thanksgiving!!! ba, nagulat ako.. dyan yung pic ko sa scrapbook mo. awww touched ako.. thanks thanks for being there. wish ko sana magkita tau one day... hayyy, miss u! sobrang busy ako lately na di nakakaupdate sa blog.. after this gawa ako update. ingat dyan and enjoy enjoy the thanksgiving! mwahhhuggss... :)

happy thanksgiving day...ako rin laging nagpapasalamat araw araw sa laht din ng blessings na natatanggap ko at sa mga tatanggapin ko pa...hehe..

sana kahit malayo kayo ay lalo pang tumibay ang relationship nyo ng honey mo...

ang galing mong magnenok ng pic...wa ako ma say!

sa mga nabasa at nakita ko dito sa post na ito, tunay na marami kang dapat ipagpasalamat sa Lord, mapalad ka at ang dami daming nagmamahal sayo :)

happy thanksgiving sayo...

bakit sa Pinas walang thanksgiving? anyways, sasabayan ko nalang ang pagpapasalamat mo ng pagpapasalamant ko dito sa pinas :)

happy thanksgiving sau :) dapat tlga pasalamatan lahat ng mga blessings na ating nattanggap khit negative man o sacrifices oki lang kc andyan lagi si lord db sis?

happy thanksgiving gandang rho! pansin ko lang dun sa mga pics ng bloggers sa taas, ang ganda nung girl na naka sideview, na naka yellow, na nakapang britney hat :)

take care sis, mwah!

ang sweet sweet naman niyan ate rho!! :) happy thanksgiving too! napakaraming blessing ang binigay sayo ni God. At sobrang dami nating dapat ipagpasalamat. :) God bless ate rho! :)

thanks mei, lalo na sa gift of friendship!! mwuahuggggzzz!

pinaghandaan ko talaga yan te ghee! hehehe... thanks po sa prayers!

5 years ang aming long distance relationship, isama pa nung mag-boypren-gurlpren pa lang kami! hehehe... nauwi naman ako yearly kaya lang, mabilis lang! kaya un...

thanks po ng marami sa lahat! mwuahuggggzzz te! labyu!

thank you ikay! God bless sis... mwuahuggggz!

yupz wendy, dapat nga talagang magpasalamat araw-araw dahil everyday, laging may blessing talaga! hehehe!

thanks ng marami te! mwuahugggz!

ayyy.... may party nga kami mamaya te melai! nyahahaha! tara na... sama ka!! ako rin, i'm so glad dahil nakilala kita!! basta, hindi ko talaga malilimutan ang unang pagpansin mo sa blog ko! thanks ng sobra... kung hindi dahil sa'yo, di ko makikilala ang mga blog friends ko ngaun! mwuahuggggz! ingatz ka rin lagi en God bless...

hahahahaha TiKeY, kahit ano naman anggulo cute ka pa rin... tayong lahat! nyahahahha!

thanks ralphT!! sa mga taong nasa paligid ko na lang... blessed na talaga ako!! God bless!

isang sweet na messages para sa mga sweet na tulad mo te nona! thanks ng marami sa gift ng friendship!! mwuahuggggzzz! may turkey nga kami bukas... weeeee! excited na ako... hehehe! ingatz po lagi te!

thank you rin rhodaline! mwuahuggggzzz! aaaayy... magpapakasal ka na?! weeeeee.... kelan?! hehehe... ingatz ka lagi sis! God bless...

thank you very much faye! ingatz na lang lagi... mwuahugggz!

hehehehe... sana nagustuhan nila! sa blog mo?! oks lang yun... araw-araw kasi e nagro-round ako! hahahaha! alphabetically pa yan... nyahahaha! kasama na talaga sa routine ko... susme!

thanks din ng marami tin-tin sa lahat! kahit bago pa lang tayo magkakilala, u accepted me! hehehe! mwuahuggz!

ikaw pala yan potpot! thank you rin sa'yo... for believing in me! hehehe... na-miz rin kita! kasi naman yung dati mong template, di ako makapagbasa ng entry mo pero ngayon oks na! hehehe... di nga lang ako maka-comment! yaaaay... ingatz ka lagi ha! mwuahugzzzz!

naku te nona, yang pix mo na yan e ninenok ko sa pictures na ninenok ng tutubi! nyahaha!! tenchu ng marami te! mwuahugggzz!

uu nga pala te eden, ang thanksgiving nyo e nung october pa! hehehe...

buti naman at nag-enjoy kayo! hehehe... ninenok ko ang pictures! nyahahaha! thanks po ng marami sa lahat! mwuahugggz! ingatz po!

ay naku, te eden.. pag may nakita kang mga pictures na gusto mo, i-right click mo lang ng i-rigt click tapos "save as" kamo!! tanaaan... meron ka ng ninenok na mga pictures! hehehehe....

thank you po te carlotz! mwuahuggggzzz! from the bottom of my heart yan...kahit na dinugo ako pag-digiscrap!! hahahaha! bago pa lang kasi ako... hehehehe! God bless din po kayo... mwuahuggz!

o talaga PuSiT?! yan ba ang maugong na balita ngayon?! nyahaha! naku... ang laki kasing tulong nitong blogging na to db?! aminin! nakakatuwa talaga...

basta, thanks ng marami ha lalo na dun sa song na ginawa for me, di ko malilimutan yun my friend! sana sa susunod, mag-recording na tayo! hahahahha!

yang digi-scrap na yan e ilang oras ko ginawa. oks lang yung mismong paggawa dahil insert-insert ka lang, natagalan ako ng sobra dahil ang hirap mang-nenok ng mga pictures! hahahaha! pero ha... cute nga yong pix mo noh!!kaya nga yon ang napili ko dahil natural na natural... nyahahaha!

God bless ka! Apirrrrr! thank ulit ng marami...

thanks po ng marami te ethel lalo na sa gift of friendship! mwuahuggggzzz! happy thanksgiving... hehehe! God bless po...

sis kat, ano musta ka na?! mwuahugggzzz! nasa chicago ka pa rin ba?! yaaaay... todo gala ka ha!! hehehe.. buti naman at nag-enjoy ka dun!

nye! e kasali sa circle of friends ko dito sa blogworld kaya andyan ka! ninenok ko pa nga yan sa friendster mo... hehehe! sana nga magkita tayo one day! enjoy ka rin sa thanksgiving mo...

basta, thanks sa lahat ha! mwuahuggz! God bless...

thank you po te idealpinkrose! uu nga po, ang sarap-sarap ng feeling ng nagpapasalamat!

naku sana nga e tumagal pa kami ng asawa pero tingin ko naman oo dahil araw-araw e lalo kaming naiinlab sa isa't-isa! hehehe!

hahaaha... pwedeng-pwede na ba?! lolz...

at isa ka dun iskoo! thanks for being my friend kahit dito sa blogworld lang!! ingatz ka lagi... god bless!

hindi ko rin alam cruise kung bakit nga walang thanksgiving sa pinas!! taraaa... sabay ka na rin sa pagkain, dami handa dito! hehehe... saraaapp ng turkeyyy! yummmm!

lolz... pero bukas pa un, pinatatakam ko lang ikaw! hahaha! God bless kuya...

korekek ka mam tekla, di nya talaga tayo pinababayaan... yaaaay! ang swerte-swerte naman...

te, thanks din ha! basta... mwuahugggz! labyu! mwuahuggggz!

thank you te nao, lalo na sa pag-imbita sa mansyon!! mwuahuggggzzz!!

teka, aba... oo nga ano?! ka-cute naman nun! nyahahaha!

God bless te! ingatz... mwuahugz!

tama ka dyan tin!! thanks din sa'yo ha... ingatz! mwuahugggz! god bless...

Welkam welkam RHO!!! Sana nga mag-recording na tayo!!! Wahahahaha!!! Pag natuloy yun, magrereklamo na ang mga lamok!!! Kaya makakatulong tayo sa bayan kasi mawawala na ang dengue dahil sa boses nating malufet!!! Aahahahahaha!!! Apir RHO!!! ;')

happy thanksgiving sa inyo! tapos na thanksgiving nmen last month eh :)

parang wala yata akong comment dito?? hay, bakit kaya??

pengeng turkey... hehehe

Thanx for the friendship rho, I really appreciate it.. Thanks a lot..

yep yep yep.... :)

e bakit ampangit ng pic na pinili mo? huwaaaa

soweee, ngayon lang nakaahon uli ... eto na lang sasabihin ko ...

may mali ah ... take two ... this

awww...ang sweet......salamats din sa lahat ate rho! na kahit simpleng pagdaan lang sa bahay ko eh masaya na ko..hehe..happy thanksgiving day

marami pa taung taong makikilala at pasasalamatan...kea habang wala pa sila..magpaksaya at magpasalamat na tau sa kung sino mang nasa atin na.

sori kung leyt tong kumenti ko..sana di pa late para magthank yu sayo.. at abah digiscrapper na rin ang lokah! hehe

nahuli ako dito!


wow buti pa jan may thanksgiving day..pero kahit naman wala dito nyan eh lage akong nagpapasalamat.hehe...especiially dahil nakilala ko kayo -ikaw ate rho!

hmmmph...why nakita ko ang pix ko dun??hmmm....di ka nagpaalam ate ah..hehe..

tnx den ha...kahit na di mo ako kilala in person eh todo ang bait mo saken...kahit busy nagtatry pa reng bumisita sa kaing mansyon! salamat den ate rho...

lab yoo..=) take care!

ehem mic test mic test...


marami talaga tayong dapat ipagpasalamat sa ligaya man o sa kalungkutan, umulan man o umaraw, mabango man o mabantot, umutot man o nangurot, matamis man o maalat, mabigat man o magaang, mataas man o mababa, cute man o matanda..magulo ba hhehehe

pero higit sa lahat salamat sa mga tunay na kaibigan na natagpuan,,,pautang naman rho-anne heheheh

Hi Rho,

I just came back home for Thanksgiving... I've been busy for a while kaya di ako makabisita sa site mo but I'm glad to be here and I just wanted to say hi and I hope all things is well with you...always remember that you've got a friend..take care and be tough no matter what...maraming nagmamahal sa'yo...

love yah,
Tin

Ngayon muling napapasyla... well ano pa ba ang masasabi ko, mukhang nasabi na nilang lahat.
Wishing you all the best na lang *wink*

huli man, huli pa rin. makikibati ng happy thanksgiving!

we have satellite receiver at home so i get to watch news from the US. nakakaaliw yung mga last minute shoppers and meron na rin palang turkey hotline dyan. hahaha! very funny mga calls natatanggap nila sa hotline about problems in cooking turkey for this occasion. :)

hahhahahaha PuSiT... malufffeeetttt talaga! as in! ay kamote, baka di lang lamok ang mawala... isipin mo kung ano pa?! hahaha! apirrr! apirrr! apirr!

thanks you vey much thinz! nung last month pa pala sa inyo... sa canada ka ba?!

bakit nga ba razzy??! hmmmm... nagmamaganda kasi ang hair mo nung tym na un! nakss naman... oha!! hahahaha!

thanks din sa friendship sis! bsta, andito lang ako for you ha! mwuahugggz!

hoooorrraayyy ralphT!! hihihihi...

e master, ninenok ko lang yan sa tutubi na ninenok nya din yata sau! hihihihi... at saka sinong nagsasabing pangit?! pupugutan ko talaga ng ulo!! roaaaarrrr!

ay... di nagwork yung una te neng pero thanks po ng marami! ninenok ko yung pix mo sa friendster.... hehehehe!

sweet para sa tulad mo ranne! malaki talaga ang naitulong ng mga blogista sa akin, trulili!! kaya maraming-maraming salamat talaga sa lahat!!

oo noh, nahawa na ako sa pagdi-digiscrap na yan! hehehe!

wala yun kipay, basta... i'm always here lang kahit busy! lolz! busy naman saan daw?! hahaha!

syempre kaya andon ang pix mo dahil isa ka sa mga magagandang dilag sa balat ng blogosphere! o d vah?!? kakaibang level yan iha!!

mwuahuggggzz! ingatz ka lagi...

sa haba-haba ng sinabi mo fafah KD, sa utangan din pala ang tuloy! nyahahaha!!

thank you tlaga sa inyo ha.. sa family nyo ni mommy ann!

thanks ate tin!!! aha, kaya pala araw-araw ako pumupunta sa bahay mo e halloween pa rin til now! yaaay... i'm sure nag-enjoy ka!

basta te, thank you po! mwuahuggggz! labshooo!

thanks te wendy! ingatz ka na lang po lagi en God bless! mwuahugggz!

ay sinabi mo pa... kandaloka talaga ang mga people sa pag-sshopping! susme... di na nga ako nakigulo at baka ako e mapagkamalan pang sale! bwahahaha!

thanks po ng marami te pao! mwuahuggz!

Who is Who?

My Photo
Name: rHo
Location: Goldsboro, North Carolina, United States


smile lang





Credits

 
Distributed by:
Template copyright :
V4NY ONLY TEMPLATES


Powered by Blogger