5 Weird Things About Me

October 26, 2006
I was being tagged by ate faye to post 5 weird things about me. Yay! Hmmm... ako mismo e weird na, so counted ba yun 'te??! Hahaha! Hindi ko alam kung weird ba or wat pero according dun sa mga taong nakakita na ginagawa ko to, weird daw ako! Watever! Hahaha! Okay eto na list ko...

1. Mahilig ako talaga sa suka, kahit ano na lang sinasawsaw ko sa suka! Ewan ko ba... kahit anong chichiria nilalagyan ko ng suka, mapa-Pringles man yan, Cheetos or kahit anong maalat. Kahit sa ulam, may suka pa rin! Hahaha! Pag halimbawa may kasamang toyo ang ulam namin, sinasabaw ko yun sa kanin.... asahan mo, kasunod ko ng isasabaw ang suka! Waaahh... ang sarap! Kahit nga longganisa, talong, pritong itlog, nilagang itlog...waaaahhh... sawsaw pa rin sa suka! Basta... masarap! Si hubby nga napapakunot na lang ang noo everytime na may isasawsaw ako sa suka na hindi naman dapat may suka! Hahaha!

2. Naiinis ako pag may nangingielam ng unan ko! Kapag naiba ang ayos non, hindi na ako makatulog. Kailangan kasi tama lang yung taas at talagang hinahanap ko pa kung san yung part na malambot. Kasi pag namali yan ng ayos... paggising ko kinaumagahan e ang sakit ng ulo ko.

3. Nung bata pa ako, everytime na may namamatay sa amin... ninenerbyos ako! Yun bang tipong hindi ako makakain, hindi ako makatulog, hindi makahinga... basta disturbed talaga ako. Feeling ko kasi, ako na ang susunod! Hahahaha! Buti ngayon... nawala na yon. Tapos, hindi rin ako makatingin sa patay pag nasa ataol na... wala pa akong natitingnan kahit isang patay even lolo ko or kamag-anak!

4. Hindi ako masyadong lumalabas, minsanan lang talaga! Sabi ng mga kaibigan ko weird daw ako dahil natitiis kong magkulong ng kwarto o ng bahay kahit ilang days pa yan! Ganon?! Hindi naman kasi ako talaga outgoing kahit noong dalaga pa ako... na-trauma na ako! Yoko kasi makurot ng nanay ko! Hahaha!

5. Ayokong malasing! Ayokong malasing! Ayokooooo talaga dahil bigla na lang akong umiiyak! Dalawang beses pa lang naman ako nalalasing... as in lasing talaga, usually kasi shot lang ako or pag tamad hindi talaga ako nainom. Ewan ko ba, hinahanap ko lagi si hubby tapos pag hindi ko nahawakan or wala sya sa tabi ko (e wala naman kasi talaga!), iiyak na lang ako bigla! Kaya yung mga kaibigan ko... natutuliro pagtawag sa asawa ko sa Pilipinas! Hindi sya nakakatawa... nakakahiya talaga! Ito ang pinaka-weird for me kasi hindi ko makontrol emosyon ko na dati naman e nagagawa ko! Lichugas! Hahaha!

Wala na akong ita-tag.. kung sino na lang gustong magsagot! Hehehe! So, have a great weekend sa inyong lahat!! Thursday pa lang dito ngayon.... bukas Friday na! Wohooooo.... excited na ako!
posted by rHo at 9:20 AM | Permalink |

[ back home ]

Comments for 5 Weird Things About Me
oopppsss...ako ba ang una? parang di yata ako makapaniwala...hehehe...

wow! ikaw ba yong tipong pakialaman mo na ang lahat wag lang ang unan ko...hehehe...yong sa #3 buti nawala na yon grabe! iwasan ang kape tita...hehe...

ayoko na rin malasing...nangyari yan sa akin once, ngayon ayoko na..as in!

Nyahahha mahilig ka pala sa paksiw haha puro suka un eh! gusto kolang ang suka sa balot! shoot nag laway ako! hhahaha!

weird ka nga sis, lalo na ung sa suka hehehe. joke lang.. well may kaweirduhan naman siguro ang lahat ng tao. sa iba't-ibang paraan nga lang. i like this post, kase nakikilala ka pa namin ng husto. :)

and yep.. friday na tom! saya! hehe. have a great weekend din sayo sis! ang bilis talaga ng araw. mmmwah!

haha, kanya kanya tlaga ng tama kapag nalalasing, ikaw umiiyak, yung friend ko tawa ng tawa tuwing nalalasing ;)

ako naman weird din dahil grade 6 na ata ako nagsuka. ayaw ko siya dati. ayaw kong itry. ewan ko. pihikan ako. basata ayaw ko lang. tapos un nalaman kong minsan pala masarap ang me suka.

me peyborit din akong unan. ehehhe! teka. wag mong sabihing dala mo pa unan mo jan sa tate?

kurutin na ng nanay ko ang singit ko. basta lalabas ako! ahahah! dati tumatakas pa ko. pero ngayon wala na sila magawa. alam naman nilang kaya ko sarili ko at wala akong ginagawang masama. eventually, nagkaron na rin sila ng tiwala saken. ehehe!

me majik talaga yang alak na yan! ahahah! tip lang, wag iinom ng wala sa kondisyon. at umiinom lang ng tama. dapat alam mo kung hanggang san lang ang kaya. pwedeng sabihing "di ko na kaya". pero masaya nman minsan maladsing! ahahah! lumalabas ang kabaliwan.

pno yan? di na tayo makakapagnomo nina mareng karmi?

Wierd na ba yun? Hindi naman eh! Dapat mas wierd pa! hehe! :)

hahaha

ang weird nung sa suka, sis!

Mahilig ka sa suka... hmmm... I therefore conclude na favorite mo ang paksiw... tama ba? Anyway...
My cousin Jel-Jel, my goodness, kung ikaw suka, siya naman Toyo... ano na lang ang lasa... imagine, isinawsaw niya ang chocolate sa toyo! Don't tell me na ikaw din ay 'di malayong isawsaw ang chocolate sa suka... nyahahaha...
Happy Friday Rhoanne!!! *mwah*

naku, pano yan ayaw mo pala uminom? baka malasing ka sa beerhawz ko.. at maiyak ka.. hahaha..lol happy halloween!

hindi ka naman weird ah! mejo lang...hehehe... ako hilig ko magsawsaw ng banana sa toyomansi. tapos yung ovaltine at tang pinaghahalo at pinapapak... hehehe...weird ga yun?!?! hindi naman di ga... mejo lang... :D

fav. ko yan basta may vinegar. hinihigop ko pa yan di pa ako hihinto kahit na pumuputi na mga labi ko

hmmm,para sa kin,yung #1 and #3 lang naman ang weird,hehe..biro mo,kahit ano isasawsaw sa suka?LOL!

ganyan ka palang malasing?pero ako,pag gusto kong umiyak,kahit di ako lasheng,naiiyak ako :)

Happy weekend,Rho!enjoy and relax ka lang..muahhhh!

wahaha pringles sa suka???!!!! na-try mo na ba fruits sa suka??parang saging at suka??

ako rin may arrangement unan ko!kelangan katabi ko left si spiderman..tapos sa right yung southpark..tapos yung unan kong pink. pag may kulang sa mga unan ko kakaiba na tulog ko.

Opposite tayo, ayoko ng suka, therefore ayoko ng paksiw at dinuguan.

grabehng ka wierduhan yang sawsaw suka kahit ano hehehe may assignment din akong ganyan di ko pa nagawa hehehe :)
Happy weekend rho!
Hugz!!

wow te idealpinkrose, kahit ako nagulat! mwuahugggggzzz! perst honor ka nga! hehehe!

oo te, yoko talaga papakielaman kasi nasakit talaga ang ulo ko! hehehe! yung number 3 nmn... nakakatakot talaga un, di ko rin alam kung pano nawala pero basta buti na lang talaga!

waaaaahhhh TiKeY, naglaway din ako sa balot na yan! hahaha! basta, wa epek na yang asim na yan... gusto ko tlaga ng may mga suka!

kat, weird nga talaga yata ako! hahaha! sis, sagutin mo rin yan para makilala ka rin namin ng husto! oks lang ba?! hehehe!

e ikaw iskoo??? anong nangyayari sa'yo pag nalalasing?? baka naman naghahamon ka ng away ha!? hehehe!

talaga lojik??? grade 6 ka na?! e ang sarap-sarap ng suka ah! hehehe! pihikan ka pala kaya ka seksi ang sister ko! hehehe!

hindi ko naman dala yung unan ko dito noh! basta pag may unan ako, wag na nilang gagalawin yon dahil mag-aaway talaga kami! hahaha!

hindi naman sa walang tiwala ang nanay ko... ewan ko dun! takot kasi ako nun kaya sumunod na lang ako! hehehe.. pero oks lang naman kasi i see to it na kahit nasa bahay ako e may ginagawa pa rin ako! so, ndi nakakainip db?!

haynaku... lam ko naman ang limit ko kaya nga 2 tyms pa lang ako nalasing sa awa ng diyos! minsan kasi.. lam mo un, pag nagkakatuwaan na kayo parang gusto mo rin maki-join! d bale, minsan lang naman e! hahaha!

oo nga sis... miz ko na kayo! di ko na kayo nakaka-chika ni karmi! sa susunod na lang ulit! ingat ka ha! mwuahuggz!

wala lang jigs! hahahaha! para kasing weird na weird ako sa sarili ko pag ganon ang nangyayari sa akin kaya nga "para sa akin" e! baliw! hehehehe!

hahahaha sasha!! pero para sa akin normal lang yan dahil peborit ko talaga yan! hehehe...

hindi ko peborit ang paksiw wendy! ewan ko ba... hahaha! naku, ma-try nga yung chocolate sa suka! hahahha! grabe din naman pala ang pinsan mo ha!

lol jeniffer, makiki-inom naman ako sa beerhawz mo basta konti lang! sabi nga ni lojik e yung tama lang! hehehehe! happy halloween too sis! mwuahugggz!

hahahaha te joy! ma-miz kita ha! mwuahuggggzz! welkam back sau sis!

naku.. weird na oo at weird na hindi... depende na lang yan! pero para sa akin syempre hinde! hahahaha!

waaaahhhhhhh mousey!!! pareho tayoo!!! apirrr!! hehehe! tuwang-tuwa pa ako pag nakikita ko sarili ko na namumuti na yung labi! gossssh... naglalaway ako ngayon! hahaha!

kakabaliw talaga te ghee! hehehe... masarap kasi kaya kahit ano sinasawsaw ko sa suka!

oo te, ganun nga talaga ako malasing! kaya ko naman nasabing weird dahil bihira akong umiyak sa harap ng maraming tao! waaaahhhh...

happy weekend po! mwuahugggz! ingatz lagi te!

oo ranne, subukan mo minsan... masarap sya! hehehe! hindi ko pa naman na-try ang banana w/ suka pero yung bayabas sinasawsaw ko rin yon sa suka! ahhhh.... ang sarap sobra nun!

minsan pala... try kong i-steal yung isang unan mo! hehehe! joke lang! mwuahugggz! ingatz ka sis!

ay ganun mommmy ann... pero nagluluto ka naman ng paksiw para kina fafah KD en kids!? hehehe!

gawin mo na rin yung assignment mo te ethel! bilissssh! hehehe!

happy weekend din po! mwuahugz! ingatz po lagi te!

masarap talaga ang suka lalo na mga pagkaing pinoy tulad ng okoy, turon, bbq, chicharon, at marami pa iba. pwede rin pala sa kropek yun at balut. hehe

sinabi mo pa cruise! masarap talaga sya kahit saan! ngek! di mo pa ba na-try sa kropek at balut yun?! hehehe!

ako...ayoko naman ng suka pero kumakain ako ng paksiw na bangus.

***
me peborit din akong unan at ngayon, sobrang lambot na niya, since childhood pa kasi e.

ate rho..haha..suka sayo??hmmmm.ako gusto ko sa lahat ng kakainin ko may sili..haha..kaya namna kalimitan eh may almoranas ako!haha...sakeeet..hehe..

ako naman pag nalalasing eh...naglilinis!promis! kaya nga sbi ng mga kabarkada ko eh, lalasingin daw nila ako sa mga bahay nila para maging malinis nila hehe..ultimong suka ng mga prends ko ako naglilinis..eeeewwww.hehe..
hahaha..iyakin ka pala..

homegirl ka din pala ate!haha..try mung mglakwatsa lage..hehe..saya!

ngats...gonna miss u!

naku te karen! sarap nyan ha! hehehe!

ako naman, walang peborit na unan.. basta lang pag nagamit ko na, wala ng gugulo nun! haha!

avah kepyang, hinay-hinay sa sili or maaanghang baka mamaya naman e kung anong mangyari sayo at di lang almoranas abutin mo!

ayyy talaga?! kipz.. tara lasingan tayo! hahaha! pakilinis ng kwarto ko! hehehe...

naglalakwatsa rin naman ako pero minsan na lang talaga! tamad kasi akong lumabas... ewan ko ba! o kaya naman, lalabas ako.. sapilitan pa! kuleett!

kipay... mag-ingat ka sa byahe ha! enjoy ka! mwuahugggz!

Suka sa lahat ng makukutkot mo...hahaha! May pagka weird ka rin ha hehe.

Ako rin...di pa nalasing kahit minsan at ayaw ko nga :-D

wah!! ate sis!! ako din mahilig sa suka!! kaya lang.. mas mahilig sa ketchup! ahahah..

hi ate!!! ganda ng site mo.. link po kita ha?? hehe... just want to have friends.. hehe!! ako din mahilig sa suka.. sarap kasi eh.. hindi masarap pag lang lasa eh.. hehe... ingat ka atee!!! mwaaahh!

ang weird nga ng last... ayaw mo malasing... masaya kaya yun haha

naku.. halos parehas pala tayo... except #5! Hihihi :P

aba! weird ka nga lahat ba naman isawsaw mo sa suka e. ako din pala pag naka-inow which is seldom lang..naghahanap ng bag kahit wala akong bitbit na bag hehehe

Alam mo RHO... hindi ka weird... NORMAL ka... yun nga lang may AB sa harap... ehehehe... JOKE!!! PEACE TAYO!!! Ehehehe... Apir!!! SUKA!!! Masarap ya'an!!! Buti na lang hindi ka naliligo sa suka at di mo binubuhusan ng suka ang mister mo, kundi kulay maputla na siya!!! Ehehehehe... Ano ba yan!!! Pero may pagkapareho tayo... HINDI AKO TUMITINGIN SA PATAY KAHIT KAMAG_ANAK KO... Ewan... para kasing... parang... parang... "PARA Na po sa tabi mama!!!" hehehe... parang weird eh!!! APir!!! ;')

lol

#1: suka? well, sa patis tlga ako mahilig. not much of a suka fan. :P ang sinasawsaw ko lang sa suka is iyong tama lang para don, like chicharon and tuyo. hehe.. believe it or not, mas like ko ang tuyo kaysa eggs, i <3 the salty taste of tuyo kasi. (haha.. bat napunta sa eggs!! cmon!!!) :P :P :P

#2: ako kahit anong ayos ng unan, basta antok, knockout kagad. haha..

#3: omg.. lam mo, parehas tayo jan. unfortunately, nong bata ako un. ngayon okies lng. dati pa nga, when my grandpa died, pinamano pako sa lolo ko. last sign of respect raw. grabe, i can still remember how cold his hand was. but he's my granny so i obliged.
:-)

#4: well, you're the homebody type. so, who cares diba? kesa nga naman makurot, sumunod nlng. lol

#5: naiyak kapag lasing? hmmm.. medyo weird nga.. :P

anyway, have a nice day! *hugs*

cheers,
aiRah

hi rho, weird nga mga to...hahaha!like you, i also like vinegar... ;)

masarap yun noh jef! hehehe!

yay... pareho nga tayo potpot!! hehehe! ay.. natatandaan ko nung bata ako, inuulam ko yang ketchup... ewan ko bakit ngayon e hindi na pero nakain pa rin naman ako ng ketchup!

thank you nicole... sure link ex tayo! ingatz...

hahahaha jamie!! masaya nga un, mali lang ako ng judgement nuon kaya nawiwindang pag lasing! hehehe!

ayyyyy tlga rowjie!! hmmm... number 5? so u mean... trip mong malsheeenngg??! hehehe!

hahahaha! buti na lang at di ka nang-aagaw ng bag ng may bag te faye!!

anong AB sa harap kamoteng-pusit??! upakan kita dyan! hahahaha! baliw ka talaga...

db pusit nakakatakot??! tumingin kasi ako non one tym at di ko makalimutan ang hitsura!! hanggang panaginip e nakikita ko... grabe!

ayos ang una ah... may LOL agad! kaw talaga airah! hahahaha!

ang sinasawsaw ko lang sa patis e yung tortang talong. pero pag pritong talong... avah.. suka na ang katapat nyan! hehehe!

sissss.... ako rin pinamano nung bata pa ako pero hindi talaga ako nagmano! tigas ng mukha e! sabi ko na lang, tapos na ako pero ang totoo... takot talaga ako sobra!!

madami tayo ate alynn na mahilig sa suka! yahooooo....

Who is Who?

My Photo
Name: rHo
Location: Goldsboro, North Carolina, United States


smile lang





Credits

 
Distributed by:
Template copyright :
V4NY ONLY TEMPLATES


Powered by Blogger