See you there.... yeah.. over there...

December 02, 2006
This blog is officially closed po!!!! THIS is my new home na....
Paki-update na lang po ng link ko.... thaaankksss!
WELCOME PO KAYO!!!!!!
Kita-kita tayo doon ha.... intayin ko kayo!! Mwuaaaahugggggzzz!!
Maraming-maraming salamat po sa lahat!!!!
posted by rHo at 1:30 PM | Permalink | 56 commenti

you know....

November 28, 2006

i really can't wait...
no i can't wait....
yeah....
whatever..... :P

posted by rHo at 8:26 PM | Permalink | 70 commenti

Happy Thanksgiving

November 21, 2006
Oha, hindi naman halatang excited ako sa Thanksgiving Day na 'to noh! Hehehe! Wala lang.. araw-araw naman nagpapasalamat ako sa dinami-dami ng blessing na natatanggap ko, good man or bad na nangyari sa buhay ko... alam ko they are there for a reason at tatanggapin ko yon ng buong-buo kahit pa minsan e nagda-dramahan ako! Nakowwwssss.... mahaba 'to, sana pagtyagaan nyong basahin dahil kahit man lang dito, maiparating ko ang taos pusong pasasalamat ko!

Una sa lahat, maraming... maraming salamat kay Lord sa patuloy na pagbibigay buhay. Ang araw-araw na paggising Nya sa akin, it implies na He's giving me another chance to change and make things better! Thank you po talaga ng marami. Marami pang void sa buhay ko lalo na ang makasama ang asawa ko, pero gaya ng lagi kong dasal... give me enough strength pa para sa paghihintay at labanan pa ang self-destruction na mismo! Alam ko hindi pa ngayon... but in your own perfect time, I know magiging masaya ako... kami ng mylab ko!


Pangalawa sa asawa ko na walang sawang sumusuporta sa akin. Sa mga bangayan, kalandian and kadramahan... alam ko, dyan tayo naging matibay. We've been through everything, hindi biro ang halos 5 taon na magkalayo tayo noh. Magkikita lang pag uuwi ng Pilipinas for what?! uhm... 3 weeks lang yata ang pinakamatagal db?! Ay meron pala... 2 months akong nag-stay dyan bago ikasal kaya lang nag-quit ako nun sa trabaho ko sa Alaska! Hahahaha! Hindi ko pa nga alam kung paano babalik ulit don!! Mabait pa rin si God, tinawagan ako ng Air Force at pinababalik na ni Uncle Sam. Another phase na naman yon ng relationship natin! Biruin mo, 2 weeks after ng kasal kelangan ko ng bumalik sa US! Lichugas talaga, di ko man lang na-enjoy ang honeymoon! Nyahahahaha! Haaaayy... ang dami-dami talaga pero hindi ka bumitiw! Hanggang ngayon lubos-lubos pa rin ang pasasalamat ko dahil IKAW ang binigay Nya.

Sa pamilya ko na laging nakaantabay sa akin. I can say, pinanday na ng panahon ang pagsasama natin pero eto pa rin tayo... magkakahawak-kamay at buong tapang na sinusuong ang dagok ng buhay! A lot of people want to break us, distract us... lahat na yata para mabuwag ang pagmamahalan na mayroon tayo pero 'di sila nagwagi. Ang hindi nila alam mas lalong lumalim ang pagmamahalan natin sa isa't-isa. I'm so proud and will always be proud dahil kayo ang naging pamilya ko!! Nak ng tokwa... naiiyak ako! Haaay... pagbigyan nyo na ako, thanksgiving naman e! Nyahahaha! Basta, mahal ko kayo kahit may mga gustong makisawsaw! Bwahahaha!


E sino ba naman ang makakalimot sa mga pinsan, mga tito't tita kong mga lukaretz! Nyahahaha! Miz ko na kayo... lam ko nababasa nyo 'to, kaya umamin na kayo! Mwuaaaahuggggzzz! Mahal na mahal ko kayo... sobra! Isa kayo sa mga taong humulma kung ano man ako ngayon, ang isa sa mga sumuporta bukod sa mga magulang ko! Maraming salamat sa lahat!! Lagi ko tong sinasabi at hindi ako magsasawang sabihin sa inyo... labs ko kayo... sobra-sobra! Pramis! Walang bawian.... hehehe! Mwuaaahugggzz!


At higit sa lahat, sa mga kaibigan simula ng umusbong ako sa mundong ito!! Maraming, maraming salamat! Hmmm... may totoo... may hindi.. may umalis... mayroon din namang nag-stay at mayroong mga bagong dumating. Malaki ang naitulong nyo sa pagsagot sa tanong ng buhay ko. Sa mga blog friends, di ko na kayo iisa-isahin... alam nyo na kung sino kayo. Maraming salamat sa pagpaparamdam na hindi ako nag-iisa dito sa mundong ginagalawan ko ngayon. Sa pag-intindi, sa pakikisama, sa pakikitawa, sa pakiki-drama, sa pagsama sa kabaliwan ko at higit sa lahat sa pagbibigay daan upang buksan ang isa pang pinto ng aking pagkatao! Salamat sa pagtanggap sa kung anumang isulat ko dito... sa pagtanggap ng pagiging "AKO" kahit dito lang sa takatak ng keyboard ko! Sana mga friends, sa pagtanda natin... tayo-tayo pa rin ang magkakasama... nagtatawanan, nagkakantyawan, nagdadramahan at nagba-blog! Nyahahahaha!



Walang perfect sa relationship... pero we are all capable of doing it perfectly! Magpasalamat tayo lagi-lagi dahil araw-araw e thanksgiving!!Happy Thanksgiving sa lahat!!! Mwuahuuuugzzz!

P.S.
Ninenok ko ang mga pictures nyo!!! Yaaayyyy.... patawad po!!! Mwuahuggzzzzzzzz!!!
posted by rHo at 10:12 AM | Permalink | 86 commenti

Kwentong Tambay

November 16, 2006
Isa ako sa mga tagahanga ni kuya batjay. Katunayan, siya ang dahilan kung bakit ako napapunta dito sa blogworld na 'to. Tandang-tanda ko pa... sa sobrang boring nung mga araw na yon at miss ko na ang mga tao sa Pilipinas, akalain mong ilagay ko sa search bar ng Google e "gusto ko ng umuwi ng pinas"! Hahahahaha! Yayyy... kala ko naman walang lalabas na results, aba... nakita ko ang Kwentong Tambay, unang-una pa!! Binuksan ko siya at wala akong ginawa kundi ang tumawa nang tumawa. May ilang parts din na nato-touch ako at the same time na-feel ko na di pala ako nag-iisa... 'di lang pala ako nakakaramdam ng ganitong lungkot kaya nabuhayan ako ng loob!

Nung ginawang libro ang blog nya, talagang di ako nagpahuli.. nagpabili ako sa asawa ko! Hehehe! Lagi nyang kinukwento sa akin ang mga nababasa nya at nagpadala pa ng picture! Oha! Kalandian! Juiceeee kooo.... say nyo... two thumbs up daw kuya! Pinabalatan pa nya yan para daw wag kaagad masira! Hehehe!

libro ni batjay
Kaya kayo na hindi pa nakakabili... bili na. Hindi pa huli ang lahat! Hehehe! Pwede kayong dumiretso sa publisher mismo, eto ang address:

Publishing Company: PSICOM
Contact persons: Sarah Grutas or Arnel Gabriel
Phone Numbers: 912-3085 or 911-3196
Address:6 Yale St., Cubao, Quezon City, Metro Manila, Philippines

Meron din sa fibar's, booksale, fully booked, mag:net at sa Conspiracy Garden Bar sa Quezon, City. Hmmmm.... pero nabanggit ng asawa ko kamakailan, meron na rin sa National Bookstore. O ano na?! Tara na at sabay-sabay tumawa! Nyahahaha!

Congrats again Kuya Batjay!!!
posted by rHo at 12:36 PM | Permalink | 74 commenti

i love walking in the rain, 'cause then no one knows i'm crying

November 13, 2006
Thank you sa lahat ng mga pampalakas loob nyo, sa mga hugs and sweet words. I do really appreciate it!! Yes... I am sad! Kahit ako, 'di ako sanay na ganito ako... pero sabi nyo rin naman na normal 'to db?! Sa anong kadahilanan... hindi ko alam! Natanong nga ni mommy ann kung dahil ba sa post nya. Sabihin na lang nating... you really are a good writer ate, nasaling mo ang dapat masaling sa akin.

Dumarating talaga siguro ang ganitong time na sa buhay natin lalo na sa tulad kong malayo sa mga mahal sa buhay. Mahirap... pero ayoko naman beybihin, ako rin kasi ang magsisisi in the end. Tama na siguro yung nakapag-reflect ako sa sarili ko at magdrama-dramahan ng ilang araw dahil mas nalalaman kong I'm strong pala. Na-touch ako sa sinabi sa akin ni te ghee, "life is full of surprises...but we need to feel the emptiness so we can comprehend to the real meaning of "full life". Magkakasakit na nga yata ako sa puso sa mga surprises na yan te! Hahaha!

Walang kasiguraduhan sa buhay, kailangan mong mag-sacrifice kahit kapalit ang sarili mong kaligayahan.... pero maswerte pa rin ako dahil andyan ang pamilya ko, ang aking mylab at mga kaibigang tulad nyo. Maraming salamat sa lahat! (pang awards ba ito!? naku!)
posted by rHo at 9:58 AM | Permalink | 71 commenti

Who is Who?

My Photo
Name:
Location: Goldsboro, North Carolina, United States


smile lang





Credits

 
Distributed by:
Template copyright :
V4NY ONLY TEMPLATES


Powered by Blogger